Argus, hiniling sa ama na huwag na munang umalis papuntang South Sudan

Argus, hiniling sa ama na huwag na munang umalis papuntang South Sudan

- Naiyak si Argus sa mensahe ng kanyang ama na isang OFW na nakatakdang umalis papuntang Sount Sudan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Maging ang mga magulang niya ay emosyonal din habang nagbigay ng mensahe ang daddy ni Argus

- Pinasalamatan niya din ang It's Showtime sa aniya'y pag-aalaga sa mga bata

- Maging si Vice Ganda ay hindi napigilang maging emosyonal

Naluha si Argus matapos niyang marinig ang mensahe ng kanyang daddy na nakatakdang paalis papuntang South Sudan. Maging ang mga magulang niya ay emosyonal din habang nagbigay ng mensahe ang daddy ni Argus.

Argus, naiyak sa mensahe ng daddy niyang paalis papuntang South Sudan
Argus, naiyak sa mensahe ng daddy niyang paalis papuntang South Sudan (@felixargus_official)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa mensahe ng kanyang ama ay pinasalamatan niya ang It's Showtime sa pag-aalaga sa mga batang kasama nila sa Isip Bata.

Read also

Alma Moreno sa bagay na pinagsisihan: "Siguro yung hindi ko tinapos yung pag-aaral ko"

Maging si Vice Ganda ay hindi napigilan ang emosyon matapos niyang sabihing ang pinakamasarap na malaman sa mundo ay ang malamang may magulang na nagmamahal.

Samantala, nauna na rin nasabi ni Argus na dalawang buwang mamalagi ang kanyang daddy sa South Sudan. Hiling niya na sana ay matigil na ang giyera doon. Bahagi pa ng kanyang mensahe para sa daddy niya na sana ay huwag nang umalis ang daddy niya dahil nagtatrabaho na rin daw siya.

Huwag na po muna siyang umalis kasi po nagtatrabaho na po ako dito.

Gayunpaman, nilinaw ni Vice Ganda na hindi siya dinadala ng mga magulang niya sa Showtime para mag-enjoy siya at hindi para buhayin ang kanyang pamilya.

Makikita naman ang pagsang-ayon ng magulang ni Argus sa pahayag ni Vice.

Si Argus Aspiras ay isa lamang sa mga batang kasama sa segment na "Isip Bata" ng It's Showtime. Nakapirma na ng kontrata si Argus at maging ang kasama niyang si Kulot. Kadalasang kinakaaliwan ang pagiging bibo ng mga batang kasali sa naturang segment.

Read also

Alma Moreno, iniinda pa rin ang sakit dahil sa multiple sclerosis

Matatandaang naibahagi ni Ion perez ang isang video na kinaaliwan ng kanyang mga followers. Makikita sa kanyang binahaging video na nakakalong si Argus kay Ion habang nagsasalitan sa pagpapa-cute sa camera. Hindi lamang kay Ion naging malapit si Argus kundi maging sa iba pang hosts ng It's Showtime kagaya nina Vice Ganda at Kim Chiu.

Ibinida naman ni Vice Ganda ang isang video kung saan makikitang pinuntahan siya ni Argus sa kanyang dressing room. Binigay nito kay Vice ganda ang kanyang dala-dalang mangga. Pinasalamatan naman siya ni Vice para sa kanyang pasalubong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel