74-anyos na lola na mahigit 20 taon nang jeepney driver, hinangaan ng marami

74-anyos na lola na mahigit 20 taon nang jeepney driver, hinangaan ng marami

- Umantig sa puso ng marami ang 74-anyos na lola na nakuha pa ring mamasada sa kabila ng kanyang edad

- Mahigit 20 taon na itong namamasada at naman pa niya ang hanapbuhay sa ama

- Ito na umano ang nagsilbing pinagkukunan nila ng ikinabubuhay ng kanyang pamilya

- Katunayan, mayroon pa rin umano siyang sinusuportahan na mga apo na pawang mga ulila na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kahanga-hanga ang sipag at determinasyon sa pagtatrabaho ng 74-anyos na lola na si Normina Macatiag.

74-anyos na lola na mahigit 20 taon nang jeepney driver, umantig sa puso ng marami
Normina "Mommy Mimi" Macatiag (Normina Macatiag)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kilala umano siya sa tawag na Mommy Mimi sa kanilang lugar lalo na at mahigit dalawang dekada na niyang hanapbuhay ang pamamasada sa jeepney.

"'Nung bata pa kami, may apat kaming jeep na pampasahero. Tatay ko namamahala, nagmemekaniko. Sa aming magkakapatid, ako lang ang nag-drive ng jeepney," naikwento ni Mommy Mimi sa panayam sa kanya ng GMA News.

Read also

Kasambahay na pumasa sa Licensure exams for teachers, inspirasyon ang hatid sa marami

Kahit mayroon naman siyang dalawang mga anak, ayaw niya umanong umasa sa mga ito pagdating sa kanyang mga pang-araw araw na pangangailangan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Mahirap kasing umasa. May pamilya sila, nakikibahagi pa ba ako doon? Edi kung kaya ko pa, sige banat."

Katunayan, siya pa umano ang patuloy na tumutulong sa iba nilang kaanak na nangangailangan.

Tulad na lamang ng kanyang dalawang apo sa pamangkin na pawang mga ulila na kaya naman naisip niyang suportahan ang mga ito.

'Yun diguro ang misyon ko sa buhay, tumulong. Tinulungan ko 'yung mga kapatid ko. Ngayon naman mga apo naman. Kung sino ang nangangailangan. Sila nga ang nagbibigay lakas sa akin e, ng sigla, ng inspirasyon para mag-survive pa"

Narito ang kabuuan ng panayam kay Mommy Mimi mula sa GMA Integrated News:

Marami sa ating mga kababayang jeepney driver na halos ngayon lamang taon nakabawi muli sa pamamasada buhat nang mag-pandemya.

Read also

Veybillyn Gorens at Sachzna Laparan, binahaging nagkaayos na sila

Ang ilan, bukod sa pagsubok ng COVID-19 at noo'y tigil pasada, dumanas pa ng pagkakakulong dahil lamang sa pag-aakalang nagwewelga ito gayung nanghihingi lamang sila umano ng limos dahil wala na silang kinikita.

Gayunpaman, marami sa ating mga kababayang jeepney drivers ang naitaguyod ang pamilya dahil sa pagmamaneho na nae-enjoy din umano ng marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica