Kasambahay na pumasa sa Licensure exams for teachers, inspirasyon ang hatid sa marami

Kasambahay na pumasa sa Licensure exams for teachers, inspirasyon ang hatid sa marami

- Inspirasyon ang hatid sa marami ng kasambahay na si Joan Ramirez

- Kamakailan, nag-viral ang video na kuha kay Joan nang malaman nitong nakapasa na siya sa licensure examinations for teachers

- Walang pagsidlan ng saya si Joan nang ibalita ito ng kanyang amo na todo ang suporta sa kanya

- Ayon kay Joan, kahit LET passer na siya hindi pa rin naman siya aalis agad sa kanyang tinutuluyang pamilya habang wala siyang nahahanap na teaching job

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kahanga-hanga ang sipag at determinasyon ng kasambahay na si Joan Ramirez na isa na ngayong ganap na licensed professional teacher.

Kasambahay na pumasa sa Licensure exams for teachers, inspirasyon ang hatid sa marami
Joan Ramirez (Yanyan De Vera Alandy/ Joan Managuelod Ramirez)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na si Joan ang nasa viral video kamakailan na kuha ng kanyang amo na si Atty. Marian De Vera- Alandy.

Sa naturang video, makikita ang reaksyon ni Joan na halos hindi makapaniwalang pasado siya sa naturang pagsusulit noong Marso at inilabas ang resulta ngayong Mayo.

Read also

Melai Francisco, aligaga nang makaharap niya si Jericho Rosales

Sa panayam sa kanya ng TeleRadyo, naikwento ni Joan na pumasok siyang kasambahay sa kasalukuyan niyang amo ngayon habang naghihintay ng resulta ng LET.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Subalit ngayong pasado na siya, hindi naman daw siya agad na aalis sa tinutuluyang pamilya ngayon.

Aniya, balak pa niyang mag-masteral habang naghahanap-hanap na rin ng mapapasukang paaralan para magturo.

Pinasalamatan din ni Joan ang kanyang mga magulang na magsasaka, gayung sa kabilang hirap ng buhay ay nagawa ng mga ito na suportahan ang pagpasok nila sa kolehiyo.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa TeleRadyo YouTube channel:

Kamakailan ay nag-viral din ang gurong si Teacher Jeric na namahagi ng mga biyaya sa mga honor students ng kanyang klase noong ikatlong markahan.

Matatandaang noong first grading period, naghandog ng bagong bag, ilang kilo ng bigas, regalo, jacket, sertipiko at rosaryo sa kanyang masisipag na mag-aaral na nakasama sa honor roll.

Read also

Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy, umalma: "Alam mo ba yung salitang 'move on?'"

Subalit sa sumunod na markahan, namahagi rin siya ng biyaya sa mga magulang ng honor students kung saan binigyan niya ang mga ito ng isang sako ng bigas. Sa video na naibahagi ni Teacher Jeric, Mababakas naman ang saya sa mga magulang at napakalaking tulong na umano sa kanilang pamilya ang natanggap na biyaya na produkto ng kasipagan ng kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica