Valerie Concepcion, aminadong nasaktan nang hanapin ng anak ang tunay na ama

Valerie Concepcion, aminadong nasaktan nang hanapin ng anak ang tunay na ama

- Inamin ni Valerie Concepcion na nasaktan siya nang hanapin ng kanyang anak na si Heather ang biological father nito

- Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, sinabi niyang noon ay pakiramdam niya ay hindi pa siya sapat kaya hinanap nito ang kanyang ama

- Kinalaunan ay napagtanto niyang natural lamang ang reaksiyon ng kanyang anak

- Sa kabila ng kanyang pakikipag-ugnayan sa ama ng anak ay wala umano itong naging tugon sa kanyang mensahe

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni Valerie Concepcuion na nasaktan siya nung una nang malamang hinahanap ng kanyang anak ang biological father nito. Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, sinabi niyang noon ay pakiramdam niya ay hindi pa siya sapat kaya hinanap nito ang kanyang ama.

Valerie Concepcion, aminadong nasaktan nang hanapin ng anak ang tunay na ama
Valerie Concepcion, aminadong nasaktan nang hanapin ng anak ang tunay na ama (@v_concepcion)
Source: Instagram

Kinalaunan ay napagtanto niyang walang mali dito dahil nais lamang umano makilala ng anak ang kanyang pinagmulan. Kaya naman sinubukan niyang makipag-ugnayan sa ama ng anak ngunit wala daw itong naging tugon sa kanyang mensahe.

Read also

Vice Ganda, aminadong pressured na matawag bilang LGBTQIA+ Icon

Sa kabila nito ay tinutruan daw niya ang anak na igalang pa rin ang kanyang ama at huwag magtanim ng sama ng loob. Aniya, kahit ano pa ang mangyari ay tatay pa rin niya ito kaya hindi siya dapat magalit dito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan ang anak niyang si Heather. Hindi na nakadalo ang kanyang ama ngunit naroroon naman ang mahahalagang tao para sa kanilang mag-ina.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Valerie Norona Galang-Sunga ay isang actress, television host, at endorser. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Nora Ferrer sa seryeng Sinasamba Kita.

Kamakailan ay nagdiwang ng ika-18 na kaarawan ang anak ni Valerie na si Heather. Isang bonggang party ang idinaos upang ipagdiwang ang 18 kaarawan ni Heather. Binahagi ni Valerie ang ilang mga pictures na kuha ng Nice Print Photography. Sa kanyang post ay nagbahagi si Valeri ng kanyang mensahe para sa anak.

Naibahagi din ni Valerie ang paggunita nila ng kanyang mister na si Francis Sunga ng kanilang ika-tatlong taon. Binahagi ni Vallerie angilang pictures sa kanilang pagdiriwang. Kalakip ng mga pictures ay nagbahagi din siya ng taos-pusong mensahe. Pinagpasalamat niya na dumating sa buhay niya si Francis.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel