Vice Ganda, aminadong pressured na matawag bilang LGBTQIA+ Icon

Vice Ganda, aminadong pressured na matawag bilang LGBTQIA+ Icon

- Aminado si Vice Ganda na nakakaramdam siya ng pressure na matawag na LGBTQIA+ Icon

- Aniya, may kaakibat na social responsibility kapag tinawag kang icon dahil siya ang maituturing na representasyon ng LGBTQIA+

- Sa panayam ni Nelson Canlas ay sinabi niyang kailangan niyang mag-level up para sa kanyang kinakatawan

- Hindi naman daw nila sasayangin ang oportunidad na binigay sa kanila ng GMA

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Vice Ganda, nakakaramdam siya ng pressure na matawag na LGBTQIA+ Icon dahil aniya ay kaakibat nito ang social responsibility. Sa panayam ni Nelson Canlas ay sinabi niyang kailangan niyang mag-level up para sa kanyang kinakatawan.

Vice Ganda, binahagi ang face reveal ng pamangkin niya na nagpa-rhinoplasty
Vice Ganda, binahagi ang face reveal ng pamangkin niya na nagpa-rhinoplasty (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram
May pressure din kasi syempre may kasama siyang social responisibility pag kinonsider ka nilang icon. Ikaw yung representasyon nila eh sa mga platforms na meron ako.

Read also

Vhong Navarro, nagdiwang ng kaarawan; Kanto Boys, muling nagsama-sama

Para naman sa kanilang pagiging kabahagi ng Kapuso network, nasabi ni Vice Ganda na hindi naman daw nila sasayangin ang oportunidad na binigay sa kanila ng GMA.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Alyssa Alvarez, kabilang sa sumalang sa Tawag ng Tanghalan

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel