Valerie Concepcion, sinubukang kausapin ang ama ng panganay na anak

Valerie Concepcion, sinubukang kausapin ang ama ng panganay na anak

- Naibahagi ni Valerie Concepcion na kung eron man siyang gustong ihingi ng paumanhin sa anak niyang si Heather, iyon ay tungkol sa kanyang ama

- Sa panayam ni Boy Abunda, naibahagi niyang sa edad niyang 18 ay hionahanap umano nito ang kanyang ama

- Ginampanan niya daw ang pagiging ama at ina sa kanyang anak ngunit hindi niya naibigay ang buong pamilya sa kanyang anak

- Sinubukan niya daw mag-reach out sa tatay ng anak niya ngunit wala daw silang nakuhang response mula dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Valerie Concepcion nang matanong ni Boy Abunda sa kanya kung ano ang gusto niyang ihingi ng paumanhin sa anak niyang si Heather. Sinubukan niya daw mag-reach out sa tatay ng anak niya ngunit wala daw silang nakuhang response mula dito.

Read also

Valerie Concepcion, aminadong nasaktan nang hanapin ng anak ang tunay na ama

Valerie Concepcion, sinubukang kausapin ang ama ng panganay na anak
Valerie Concepcion, sinubukang kausapin ang ama ng panganay na anak (@v_concepcion)
Source: Instagram

Aniya, may panahong hinahanap nito ang tatay niya. At gusto niyang mag-sorry dahil hindi niya naibigay ang isang normal na pamilya sa anak niya.

Ginampanan niya daw ang pagiging ama at ina sa kanyang anak ngunit hindi niya naibigay ang buong pamilya sa kanyang anak. Isa umano ito sa gusto niyang ihingi ng dispensa sa kanyang anak.

Aminado siyang nasaktan siya nang malamang hinahanap ng anak niya ang tatay niya dahil pakiramdam niya daw ay hindi siya sapat para sa anak. Gayunpaman, kinalaunan ay napagtanto niyang gusto lang naman niya makilala ang ama.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Magso-sorry na rin ako sa anak ko na ganun ang tatay niya. We tried reaching out. I tried telling him that our daughter is ready to meet you. She told me she's ready.. But I didn't get a response sadly.

Read also

Angeline Quinto, ibinahagi family bonding nila para kay Sylvio: "Hindi ito matutumbasan ng kahit ano"

Pinapaalalahanan daw ni Valerie ang anak na huwag magalit dahil kahit anong mangyari ay tatay pa rin niya iyon.

Si Valerie Norona Galang-Sunga ay isang actress, television host, at endorser. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Nora Ferrer sa seryeng Sinasamba Kita.

Kamakailan ay nagdiwang ng ika-18 na kaarawan ang anak ni Valerie na si Heather. Isang bonggang party ang idinaos upang ipagdiwang ang 18 kaarawan ni Heather. Binahagi ni Valerie ang ilang mga pictures na kuha ng Nice Print Photography. Sa kanyang post ay nagbahagi si Valeri ng kanyang mensahe para sa anak.

Naibahagi din ni Valerie ang paggunita nila ng kanyang mister na si Francis Sunga ng kanilang ika-tatlong taon. Binahagi ni Vallerie angilang pictures sa kanilang pagdiriwang. Kalakip ng mga pictures ay nagbahagi din siya ng taos-pusong mensahe. Pinagpasalamat niya na dumating sa buhay niya si Francis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel