Pokwang, emosyonal na ibinahagi ang dasal ni Malia: "You see, napaka-unselfish nung bata"

Pokwang, emosyonal na ibinahagi ang dasal ni Malia: "You see, napaka-unselfish nung bata"

- Emosyonal na ibinahagi ni Pokwang dasal ng anak niyang si Malia

- Ito na rin umano ang nagsilbing hudyat niya upang tuluyan nang tapusin ang relasyon sa dating partner

- Nasabi rin ni Pokwang na maaring nararamdaman ni Malia ang nangyayari kaya't mas gusto raw nitong siya ang kasama

- Aniya, handa siyang ibigay ang lahat ng pagkukulang ng ama sa anak ng 'triple' at patuloy umano silang lalaban sa buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilan ni Pokwang na maging emosyonal nang mapag-usapan na nila ni Karen Davila ang kanyang anak na si Malia.

Nalaman ng KAMI na naibahagi ni Pokwang ang dasal ni Malia na nagsilbing sign sa kanya upang tapusin nang tuluyan ang relasyon kay Lee O'Brian.

"Meron siyang isang dasal na, 'Thank you kay Mama, Si Dada bahala na po kayo sa kanya kung hindi na po siya babalik sa amin, protect him.You see, napaka-unselfish nung bata"

Read also

Pokwang sa kanyang bashers: "Kapwa ko babae 'yung mga nanggaganyan sa akin"

Mas lalo umanong nadurog ang puso ni Pokwang nang makita ang anak na naluha matapos ang dasal nito.

"Then umiyak siya, nung nakita kong umiyak na 'yung anak ko okay that's it."

Kaya naman sa pagkakaroon niya ng biyaya ng trabaho, patuloy niya itong tinatanggap at ipinagpapasalamat dahil lahat ito'y para sa mga anak lalo na kay Malia.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Lalaban tayo, hindi kita pababayaan. Maaring walang presence ang dada pero andito ako. Gagawin ko ang lahat kung ano ang pagkukulang niya ibibigay ko lahat sa kany... triple"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Karen Davila na kapupulutan ng aral lalong-lalo na ng mga kababaihan.

Si Pokwang o Marietta Subong ay isa sa kilalang komedyante sa Pilipinas. Bukod dito, labis siyang hinahangaan dahil sa kanyang cooking skills. Katunayan, mayroon na siyang sariling cooking show ang Kusina ni Mamang kung saan old style na pagluluto ang kanyang ipinakikita kaya naman marami ang naaaliw na makita muli ang tradisyonal na pamamaraan ng pagluluto.

Read also

Sachzna Laparan, binura na ang kanyang 'patol moments': "Rektang kaso na lang daw."

Samantala, si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Umabot na sa mahigit 1.51 million ang kanyang subscribers dahil sa mga vlog niya na bukod sa nakakaaliw ay kapupulutan lagi ng aral sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica