Cristy, 'di masisi ang publiko sa bansag sa ina ni Sarah G: "Wala pa rin 'yung pagtanggap"
- Hindi raw masisi ni Cristy Fermin ang publiko kung bakit nababansagan ng mga ito na "Divine No Mercy" ang ina ni Sarah Geronimo
- Matatandaang hindi sumipot ang mga magulang ni Sarah Geronimo sa 20th anniversary concert niya noong May 12
- Gayunpaman, sa naturang concert, naglaan siya ng pagkakataon na pasalamatan ang mga magulang
- Hiling pa rin ng marami na magkaayos na si Sarah at kanyang pamilya gayundin sa mister niyang si Matteo Guidicelli
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y komento ng publiko sa ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine.
Nalaman ng KAMI na inabangan umano ng marami ang pagdating nga pamilya ni Sarah lalong-lalo na ng kanyang mga magulang sa 20th anniversary concert ni Sarah noong May 12.
Sa kasamaang palad, hindi pa rin nakadalo ang mga ngunit hindi pa rin nawala ang bahagi ng concert kung saan pinasalamatan niya ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang Daddy Delfin.
Dahil dito, naging usap-usapan muli ang pangyayaring ito at nakarating pa kina Cristy Fermin ang umano'y bansag na ngayon sa ina ni Sarah.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Meron ngang nagtext sa'kin na ang anak ay kayang tiisin ang magulang. Pero walang magulang na makatitiis sa kanyang anak. Sis meron, si Mommy Divine."
"Alam mo kung anong tawag nila kay Mommy Divine? Divine No Mercy. Hindi natin mapipigilang magsalita ng gano'n ang mga kababayan natin dahil napakatagal na. Wala pa rin yung pagtanggap. Wala pa rin yung pagbibigay ng karapatan sa kanyang anak na sabi nga ni Sarah untill gumawa sila ng desisyon."
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:
Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres. Noong 2020, ikinasal siya sa Filipino actor, model, singer at kart racer na si Matteo Guidicelli.
Nito lamang May 12, isa na namang sold out concert ni Sarah ang natapos kung saan nagdiwang siya ng kanyang ika-20 taon sa showbiz.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh