Rendon Labador, binahaging 'at risk' ang kanyang Facebook page

Rendon Labador, binahaging 'at risk' ang kanyang Facebook page

- Matapos ang kanyang TikTok page na nawala at hindi na maibalik naibahagi ni Rendon Labador na maging ang kanyang Facebook page ay 'at risk'

- Ani Rendon, tila pinagtutulungan siya ng Meta at ng TikTok dahil sa kanyang natanggap na warning sa Facebook

- Sa kanyang binahaging screenshot ay nakalagay na may violation din daw ito sa rules on harassment and bullying

- Aniya, trabaho lang ang lahat ng kanyang ginagawa kaya sana ay walang personalan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Rendon Labador na 'at risk' na rin ang kanyang Facebook page. Sa kanyang binahaging screenshots ay ilang magkakasunod na paalala mula sa Meta ang nagsasaad na may violation daw ito sa rules on harassment and bullying.

Rendon Labador, binahaging 'at risk' ang kanyang Facebook page
Rendon Labador, binahaging 'at risk' ang kanyang Facebook page (Rendon Labador)
Source: Facebook

Ani Rendon, mukhang pinagtutulungan siya ng TikTok at Meta. Ito ay matapos ang pagkakatanggal din ng kanyang TikTok account nito lang nakaraang araw.

Read also

Rendon Labador, burado na sa TikTok: "Bakit ang daming masaya na binura ako sa TikTok?"

Aniya, trabaho lang ang lahat ng kanyang ginagawa kaya sana ay walang personalan.

Rendon Labador, binahaging 'at risk' ang kanyang Facebook page
Rendon Labador, binahaging 'at risk' ang kanyang Facebook page
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel