Moira dela Torre sa mystery girl na kasama ni Jason Hernandez: "Di ako yon"

Moira dela Torre sa mystery girl na kasama ni Jason Hernandez: "Di ako yon"

- Kinaaliwan si Moira dela Torre sa kanyang post kung saan pinahiwatig niya ang pabulaanan ang balitang nagkabalikan sila ni Jason Hernandez

- Ito ay matapos nagbahagi si Jason ng Instagram story kasama ang isang mystery girl

- Hindi na nagpaliwanag pa si Jason kaugnay sa kanyang IG story sa kabila ng mga lumabas na espikulasyon

- Gayunpaman, ilang beses nang pinabulaanan ni Moira na siya ang naturang babae

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Moira dela Torre upang pabulaanan ang espikulasyong siya yung mystery girl sa Instagram story ni Jason Hernandez. Hindi pa nagpaliwanag si Jason kaugnay sa kanyang IG story sa kabila ng mga lumabas na espikulasyon.

Moira dela Torre sa mystery girl na kasama ni Jason Hernandez: "Di ako yon"
Moira dela Torre sa mystery girl na kasama ni Jason Hernandez: "Di ako yon" (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Kinaaliwan ang kanyang caption kung saan ginamit pa niya ang linya sa awitin ni Toni Fowler na MPL.

"ako'y tahimik lang sa umpisa..." eme. di ako yon

Read also

Toni Fowler kay Moira: "Tatlo camera neto para makita mo ang tunay mong halaga"

Matatandaang nauna nang pinabulaanan ni Moira ang bali-balita lalo na nang ihambing ng netizens ang singsing na suot ng mystery girl at ng singsing ni Moira.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Moira dela Torre sa mystery girl na kasama ni Jason Hernandez: "Di ako yon"
Moira dela Torre sa mystery girl na kasama ni Jason Hernandez: "Di ako yon" (@jasonmarvinph)
Source: Instagram

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Read also

Moira dela Torre, pinakita na silver ang suot niyang singsing

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate