Sarah Geronimo, suportado ng pamilya ni Matteo Guidicelli sa kanyang concert
- Nagpost ang ina ni Matteo Guidicelli na si Glenna Guidicelli sa Instagram para batiin at ipagmalaki ang kanyang manugang na si Sarah Geronimo
- Binati niya ito sa kanyang natagumpay na 20th anniversary concert na ginanap kamakailan
- Makikita sa pictures na binahagi nito ang kanilang pamilya na sama-samang nanood ng concert para suportahan si Sarah
- Marami naman ang natuwa sa mensaheng ito ng biyenan ng Popstar royalty
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagpost ang biyenan ni Sarah Geronimo ng pagbati para sa matagumpay na 20th anniversary concert ni Sarah. Makikita sa pictures na binahagi nito ang kanilang pamilya na sama-samang nanood ng concert para suportahan si Sarah.
Nagpasalamat din ito sa lahat na sumoporta kay Sarah at maging sa anak niyang si Matteo.
Congratulations Sarah for your magnificent performance !!! We are so proud of you and Matteo❤️ God bless you and Matteo❤️ thank you everyone for all the support
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Marami naman ang natuwa sa mensaheng ito ng biyenan ng Popstar royalty:
Thank you Ma'm for your love and support to Sarah...you're now her family, she needs you now more than ever
hank you po mama glenna and family for your love and support to Sarah
Thank you po for loving Sarah like your own. She made the right decision talaga.
Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.
Dumalo sina Sarah at Matteo Guidicelli sa birthday celebration ng kapatid ni Mommy Divine. Sa binahaging picture ng Instagram ng -ashmatt (fans ng mag-asawang Sarah at Matteo) kasama nila ang kapatid ng ina ni Sarah. Marami ang natuwa lalo na ang mga fans ni Sarah dahil kahit umano pa-unti-unti ay nagiging maayos na ang relasyon ni Sarah sa pamilya. May mga umaasang ito na ang simula ng pagkakabati ng mag-ina na matagal na ring nagkatampuhan.
Binati ni Sarah ang kanyang mga magulang na sina Daddy Delfin at Mommy Divine Geronimo. Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Sarah na ang kanyang mga magulang ang superheroes ng kanyang buhay. Binati niya ng Happy Mother's Day ang kanyang mommy kalakip ng kanyang pasasalamat sa aniya'y walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal. Kalakip ng kanyang pagbati ay binahagi ni Sarah ang pictures niya kasama ang kanyang mga magulang .
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh