Cristy, nagtaka sa naging utang umano ng TAPE kay Vic Sotto: "Saan napupunta ang kinikita nila?"

Cristy, nagtaka sa naging utang umano ng TAPE kay Vic Sotto: "Saan napupunta ang kinikita nila?"

- Nagtaka umano si Cristy Fermin kung paanong umabot sa Php40 million ang umano'y 'di agad nabayaran na talent fee kay Vic Sotto

- Sinasabing sa commercial pala lang, marami na umanong kinikita ang Eat Bulaga

- Gayunpaman, sinabi kamakailan ni Vic Sotto na nabayaran na ang naturang halaga sa kanya

- Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang kontrobersiyang kinakaharap ng Eat Bulaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong nagtaka umano si Cristy Fermin kung bakit ganoon na lamang kalaki ang umano'y hindi agad nabayaran na talent fee kay Vic Sotto at ilan pa nitong mga kasama sa Eat Bulaga.

Cristy, nagktaka sa naging utang umano ng TAPE kay Vic Sotto: "Saan napupunta ang kinikita nila?"
Tito, Vic and Joey (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bagama't nabayaran na umano si Vic ng nasa Php40 million na talent fee niya mula sa TAPE Inc. Palaisipan kay Cristy bakit hindi ito naibigay sa actor/TV host.

Read also

Vice Ganda, bibigyan ng puhunan ang street sweeper na Php145 ang kita kada araw

"Nakapagtataka lang ano. Number one noontime show, Punong-puno ng mga ads. Alam naman natin ang commercials ng Eat Bulaga, ika nga natin nakapaglaba na tayo, nakapagsampay na tayo, inaakas na natin yung sampay, tinutupi na natin pagka-plancha, commercial pa rin. Ang tanong, saan napupunta ang kinikita nila?" ani Cristy.

"Kung nagkaroon ng 231 million noong 2021, gasino na lang 'yung 2022 napakalaki nun. Saka ba't nagkakautang? Bakit delayed 'yung sweldo ng kanilang mga tao," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ngayon, wala pa rin umanong inilalabas na pahayag muli ang mga Jalosjos ng TAPE Inc. matapos na magsalita si dating senator Tito Sotto ukol sa issue.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy Fermin mula sa YouTube channel nilana Showbiz Now Na!:

Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.

Read also

Kuya Wil, may concert tour sa USA ani Cristy Fermin: "Mukhang sa June na ito"

Inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulaga.

Sa isang episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy ang posibilidad na mauwi umano sa demendahan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga at ng TAPE Inc.

Gayunpaman, inaaasahang hindi magiging madali para sa lahat kapag nangyari ito lalo na at mahaba-habang panahon na nagsama ang TAPE at ang Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica