Rendon Labador sa mga nagtanggol kay Michael V: "Kahit magkampihan pa kayong lahat"

Rendon Labador sa mga nagtanggol kay Michael V: "Kahit magkampihan pa kayong lahat"

- Sumagot si Rendon Labador sa mga nagtanggol kay Michael V kasunod ng kanyang pahayag

- Muli niyang iginiit na laos na daw ang mga artistang ito at wala raw siyang pakialam

- Aniya, kahit magkampihan pa silang lahat at dapat daw tanggapin na nila ang katotohanan

- Matatandaang nag-ugat ang isyu matapos maglabas ng pahayag ni Rendon laban kay Michael V kaugnay sa pahayag nito tungkol sa dapat matutunan ng mga content creator

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi natinag si Rendon labador matapos ang pag-alma ng ilang artista kaugnay sa pahayag niya laban kay Michael V. Aniya, kahit magkampihan pa silang lahat at dapat daw tanggapin na nila ang katotohanan.

Rendon Labador sa mga nagtanggol kay Michael V: "Kahit magkampihan pa kayong lahat"
Rendon Labador sa mga nagtanggol kay Michael V: "Kahit magkampihan pa kayong lahat" (Rendon Labador)
Source: Facebook

Sa Facebook "My Day" niya ay naibahagi ni Rendon ang screenshot ng mga balita tungkol sa pagtatanggol ng ilang personalidad kay Michael V. Ani Rendon, laos na silang lahat. DApat daw ay magpasalamat pa sa kanya dahil sinabi niya pa ito.

Read also

Rendon Labador kay Michael V: "Masakit na katotohanan na laos na kayo"

Rendon Labador sa mga nagtanggol kay Michael V: "Kahit magkampihan pa kayong lahat"
Rendon Labador sa mga nagtanggol kay Michael V: "Kahit magkampihan pa kayong lahat" (Rendon Labador)
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Rendon, ito ang masakit na katotohanan na dapat lunukin ng mga mainstream artists.

Rendon Labador sa mga nagtanggol kay Michael V: "Kahit magkampihan pa kayong lahat"
Rendon Labador sa mga nagtanggol kay Michael V: "Kahit magkampihan pa kayong lahat" (Rendon Labador)
Source: Facebook

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Read also

Moira dela Torre, wiped out ang lahat ng Instagram post

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate