Alex Gonzaga kay Luis Manzano: "Nakakuha ka na nga ng guest nanira ka pa"

Alex Gonzaga kay Luis Manzano: "Nakakuha ka na nga ng guest nanira ka pa"

- Nagkomento si Alex Gonzaga sa bagong vlog ni Luis Manzano kung saan nakausap niya sina Whamos Cruz at Antonette Gail

- Sa naturang vlog ay naibahagi nila ang tungkol sa pagsisimula ng kanilang pagmamahalan at sa kanilang buhay bilang mga magulang

- Nabanggit ni Luis na nakuha niya kay Alex ang number ni Whamos at nagbiro pa ito na sinabi daw ni Alex na hindi siya mabait

- Ani Alex, nakakuha na siya ng guest nanira pa ito sa kanya nang sabihan siya ni Luis na naninira ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbiro si Luis Manzano sa kanyang panayam kina Whamos Cruz at Antonette Gail. Aniya nakuha niya ang number ni Whamos mula kay Alex na aniya ay natanong niya kung mabait daw ba si Whamos.

Alex Gonzaga kay Luis Manzano: "Nakakuha ka na nga ng guest nanira ka pa"
Alex Gonzaga kay Luis Manzano: "Nakakuha ka na nga ng guest nanira ka pa" (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Biro pa ni Luis lakas manira ni Alex pero marami itong subscribers kaya dapat daw ay sumipsip sa kanya.

Read also

Vice Ganda, pinabulaanan ang balitang binitawan niya na si Awra Briguela

Ani Alex, nakakuha na siya ng guest nanira pa ito sa kanya.

Walangyaaaaa ka binanggit mo pala ko sa dulo!!!!! Nakakuha ka na nga ng guest nanira ka pa

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Read also

Paye Galang sa gitna ng isyu sa pagdidisiplina ni Toni Fowler sa kanya: "Dami nyong hanash"

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel