AJ Raval, deadma sa mga nega comments sa picture nila ni Aljur Abrenica

AJ Raval, deadma sa mga nega comments sa picture nila ni Aljur Abrenica

- Ibinida ni AJ Raval ang picture nila ni Aljur Abrenica sa kanyang Facebook post

- Wala itong nilagay sa caption kundi isang heart emoji ngunit pinutakti ito ng komento

- Nagkataon na ang kanyang pag-post ay siyang araw din na nagpost ang KathNiel ng kanilang pahayag kaugnay sa kanilang paghihiwalay

- Marami sa mga fans ng KathNiel ang apektado at napakomento maging sa post ni AJ kahit wala namang kinalaman sa KathNiel ang post niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi na pinatulan ni AJ Raval ang mga netizens na nagkomento sa kanyang post kung saan binahagi niya ang picture nila ni Aljur Abrenica.

AJ Raval, deadma sa mga nega comments sa picture nila ni Aljur Abrenica
AJ Raval, deadma sa mga nega comments sa picture nila ni Aljur Abrenica (@ajravsss)
Source: Instagram

Wala itong inilagay sa caption kundi isang purple na heart. Kahit wala namang kinalaman sa KathNiel ay marami sa mga komento ay binaggit ang KathNiel.

Read also

Jerald Napoles, pinakita ang reaksiyon ni Kim Molina sa KathNiel breakup

Sa paghihiwalay nga ng KathNiel ay hindi pa rin humuhupa ang mga komento at reaksiyon ng netizens. Sa X, nasa top trending topic pa rin ang KathNiel kasunod ng pagkumpirma nila tungkol sa paghihiwalay nila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica.

Naitanong kay Kylie Padilla ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur at AJ ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan. Sa ginanap na mediacon ng serye niyang Mga Lihim ni Urduja ay natanong din sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa pangbabash kina Aljur at AJ kasunod ng kanilang post kamakailan. Muli ay sinabi niyang hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang masaya siya para sa kanilang lahat.

Read also

Sofia Andres, usap-usapan dahil sa kanyang IG stories

Diretsahang sinabi ni Kylie Padilla na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ. Aniya, hindi deserve ni AJ ang hate at bashing na kanyang tinatanggap mula sa mga netizens. Bilang tatay ng kanyang mga anak, gusto daw niyang masaya si Aljur para buo ang kasiyahan ng kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel