Dingdong Dantes, nilahad ang bersyon niya ng "naka-prepaid ka lang" na kwento ni Marian

Dingdong Dantes, nilahad ang bersyon niya ng "naka-prepaid ka lang" na kwento ni Marian

- Naikwento ni Dingdong Dantes ang bersyon niya ng 'naka- prepaid ka lang' anecdote ng misis niyang si Marian Rivera

- Nilinaw niyang hindi ito nangyari sa taping ng Dyesebel kundi sa Marimar

- Aniya, namula raw at nag-walkout noon si Marian nang tinanong niya ito kung bakit hindi nagre-reply sa kanyang text

- Sina Dingdong at Marian o 'DongYan' ang isa sa mga hinahangaang showbiz couple sa bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang ibinahagi ni Dingdong Dantes ang kanyang bersyon ng "wala ka bang load," o "naka-prepaid ka lang" na kwento ng kanyang misis na si Marian Rivera.

Dingdong Dantes, nilahad ang bersyon niya ng "naka-prepaid ka lang" na kwento ni Marian
Dingdong Dantes kasama ang misis na si Marian Rivera (@dongdantes)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na noong naging panauhin ni Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk si Marian ay naikwento ito ng aktres.

Kaya naman nang si Dingdong naman ang nag-guest sa naturang programa ng kanilang Tito Boy, nilahad niya ang makulit na pangyayaring hindi raw sa taping ng Dyesebel naganap kundi sa set ng 'Marimar.'

Read also

Donnalyn, naiyak nang maalala ang laman ng wallet nang unang bumalik sa Pinas

"Isang beses kasi dahil wala pa namang Waze, navigation na app. So may change location kami, nauna ako. E medyo masukal yung pinuntahan namin. Kailangan may mga landmarks etc. Nauna ako dun e. So sa susunod, magbibigay na lang ako ng tip kasi mamaya oy, may bangin dito, dito kayo pwedeng pumark, may lubak diyan... etc."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"So I messaged her, in good faith na ganito ang pwedeng daanan. So wala lang, yung ganoong message. Parang, aba... pero alam kong seen e. Ba't kaya? akala nito sinastylan ako... 'nung time na 'yun talagang good intentions."
"Tapos nung nagkaroon ako ng windows, sabi ko ah ganon ah. Kasi asaran din naming magkakaibigan yan e. Kunwari hindi ka nakasagot, wala kasi akong load e. yung yung madalas na palusot."
"Sabi ko, i nagtext ako sa'yo ah. Wala ka bang load? tapos namula talaga siya, talagang walkout. So sa Marimar po nangyari 'yun hindi po sa Dyesebel. Pero talagang asaran po namin 'yun."

Read also

Julia Montes, agad na napuri si Alden Richards: "Totoong mabait siya"

Narito ang bahagi ng panayam ni Boy Abunda kay Dingdong Dantes:

Si Jose Sixto Raphael Gonzalez Dantes III o mas kilala bilang Dingdong Dantes ay isang Filipino actor, television presenter, dancer, commercial model at film producer. Isa siya sa mga ekslusibong talent ng GMA. Kasalukuyan siyang host ng sikat na game show na 'Family Feud.

Si Dingdong ay ang mister ng Kapuso actress na si Marian Rivera. Nakilala si Marian sa ilang mga iconic roles na ginampanan niya tulad ng 'Marimar,' 'Dyesebel', at maging ng 'Darna.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel