Kristel Fulgar, ginawaran ng Global Creator of the Year award sa Korea

Kristel Fulgar, ginawaran ng Global Creator of the Year award sa Korea

- Pinasalamatan ni Kristel Fulgar ang APAN Star Awards sa pag-recognize sa kanya bilang isang content creator

- Nagpasalamat din siya sa kanyang mga mahal sa buhay na nakasuporta sa kanya

- Ang Korea Entertainment Management Association ang nag-host sa naturang awards ceremony

- Matatandaang taong 2022 nang nag-aral si Kristel sa South Korea at binahagi niya ang kanyang naging buhay doon sa pamamagitan ng kanyang vlog

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inihayag ni Kristel Fulgar ang kanyang pasasalamat sa panibagong achievement na kanyang nakamit. Ginawaran siya ng Global Creator of the Year award sa APAN Star Awards sa Korea.

Kristel Fulgar, ginawaran ng Global Creator of the Year award sa Korea
Kristel Fulgar, ginawaran ng Global Creator of the Year award sa Korea
Source: Instagram

Pinasalamatan ni Kristel ang naturang award giving body sa pagkilala sa kanya sa larangan ng content creation.

"It is such an honor to be one of the awardees of this year’s APAN Star Awards Global Creator of the Year. Thank you to the committee for recognizing my content creator journey,"

Read also

Alden, pagod na sa gender issue: "Tingin niyo bading? Fine! Wala na bang iba?"

Maging sa kanyang mahal sa buhay ay nagpasalamat siya dahil sa mga suporta sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Thank you to my family and friends for always being there. But I would like to thank most especially our Almighty God for all these blessings, also my fans, followers, and supporters for always watching my videos and engaging with me on my platforms,"

Matatandaang nakatanggap na rin siya ng award nitong Disyembre bilang Most innovative and influential creator at the Global Influencer Award in 2023."

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe at Bagito.

Pumirma si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae. Sa kanyang vlog, binahagi ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata. Ayon naman sa CEO ng skin care brand na si Yohan Kim, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya. Pinalakas pa nito ang loob ni Kristel dahil ayon sa dalaga ay hindi pa siya confident dahil kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagsasalita sa kanilang wika.

Read also

Alden, nakwento ang pagiging brokenhearted: "Start of 2023, first three months of it"

Kamakailan ay binahagi ni Kristel ang video ng kanyang meeting sa isang Korean Brand na kumuha sa kanya bilang ambassador. Ayon sa kanila, napanood nila ang vlog ni Kristel at nagustuhan nila ang ginawa ni Kristel kung saan pinakita niya na ginagamit niya ang produkto. Naging mabili ito sa kanilang online shops kaya napagpasyahan nilang makipagcollaborate kay Kristel. Pinasalamatan naman ni Kristel ang kanyang mga tagapanood na aniya ay naging dahilan ng bagong oportunidad na ito na dumating sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate