Ogie D, nakausap mismo si Melai: "Hindi sila naghihiwalay ni Jason"

Ogie D, nakausap mismo si Melai: "Hindi sila naghihiwalay ni Jason"

- Nakumpirma ni Ogie Diaz kay Melai Cantiveros-Francisco na hindi totoong hiwalay na sila ng mister na si Jason Francisco

- Kaugnay pa nito, naglabas ng 'ebidensya' si Melai na kasama pa rin niya ang mister na naghatid sa kanya sa taping ng Magandang Buhay

- Ayon pa raw kay Melai, kung totoo man ang hiwalayan, ang kanyang mga anak marahil ang unang maglalantad nito

- Sinabi pa nitong normal lang daw umano sa kanilang relasyon ang 'away-bati' na hindi na raw nila kailangang isapubliko pa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs sa Showbiz Update channel ang tungkol sa nabalitang hiwalayan umano nina Melai at Jason Francisco.

Ogie D, nakausap mismo si Melai: "Hindi sila naghiwalay ni Jason"
Melai, Stela, Mela and Jason (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nakausap mismo ni Ogie Diaz si Melai lalo na at naglabas naman daw ito ng ebidensyang magkasama pa rin sila ni Jason.

Read also

Cristy, may payo kay Priscilla Meirelles: "Ikaw naman ang tunay na asawa... Tama na"

"Yes sila pa rin po. Siyempre sa isang relasyon, hindi naman mawawala 'yung galit-bati, galit bati. Madalas nandun sila sa ganung sitwasyon. Pero ang siniguro sa atin ni Melai ay hindi sila naghihiwalay ni Jason," ani Ogie.

Kaya naman minabuti raw ni Melai na hindi na ito isapubliko pa gayung tila normal lang sa mag-asawa na minsa'y may hindi napagkakasunduan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Nung tinanong ko si Melai, Melai ano, totoong hiwalay na kayo, pare ayan o natutulog... Ganyan lang talaga sila. Sabi niya kakahiya naman di-discuss pa namin 'yan sa TV," na ipinakita pa umano si Jason.

Dagdag pa raw ni Melai, sakaling totoo man ang hiwalayan, hindi makakawala iyon sa kanyang mga anak at baka ito pa ang mag-anunsyo ukol dito.

"Sabi nga ni Melai, kung hiwalay na sila ni Jason ang unang magre-report daw e yung mga anak nilang madadaldal"

Read also

Marco Sison sa pagpanaw ng apo na sana'y GMA artist na: "hanggang dun lang"

Narito ang kabuuan ng naturang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Melai Cantiveros-Francisco ay ang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Isa si Melai sa labis na kinagiliwan ng mga sumubaybay ng PBB kaya naman hindi kataka-takang siya ang hinirang na panalo sa kanilang edition. Noon pa man ay likas na ang pagiging komedyante nito na agad na minahal ng mga manonood. Sa PBB rin niya nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak na sina Mela at Stela.

Kalaunan, naging host siya ng programang Magandang Buhay kung saan una niyang nakasama si Karla Estrada na ngayo'y pinalitan na ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Kasama rin niya si Jolina Magdangal. Patok ang samahan ng tatlo kaya naman patuloy silang namamayagpag at napapanood sa iba't ibang ABS-CBN platform.

Matatandaang nag-viral ang kanilang video tungkol sa 'chicken nuggets' na labis na kinagiliwan ng netizens.

Read also

Gladys Reyes, hanga kay Barbie Forteza: "Talagang sinasaktan ko siya, totoong sampal"

Dahil dito, isa na sa pinakaabangan ang vlogs ng pamilya nina Melai at Jason gayung nakikipagsabayan sa kakulitan ang kanilang mga anak na sina Ate Mela at Steya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: