Melai Francisco sa birthday party ng bunsong anak: "Best Day ever daw sabi ni Steya"

Melai Francisco sa birthday party ng bunsong anak: "Best Day ever daw sabi ni Steya"

- Happy si Momshie Melai dahil successful umano ang birthday party ng kanyang bunsong anak na si Stela

- Best day ever daw ito sabi ng anak kaya naman ganoon na lamang ang saya ni Melai

- Matatandaang kamakailan ay nagdiwang din ng kaarawan ang panganay naman nito na si Mela

- Maraming netizens ang labis na natutuwa kina Mela at Stella na nakikipagsabayan ng kulitan sa kanilang mga magulang na sina Melai at Jason Francisco

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Walang pagsidlan ng saya si Melai Cantiveros- Francisco dahil masasabi niyang successful ang inihanda niyang birthday party para sa bunsong anak niyang si Stela.

Melai Francisco sa birthday party ng bunsong anak: "Best Day ever daw sabi ni Steya"
Si Melai kasama ang mga anak na sina Stela at Mela (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI naibahagi ni Melai ang ilang mga kaganapan sa masayang party ng kanilang baby 'Steya.'

"Thank you Lord for the happiness of our baby Steya Happy Bday Anak @stelarosalind gagawin lahat ni Mama mapasaya lang kayo ni Ate," ang bahagi ng caption ni Melai sa kanyang Instagram post.

Read also

Kristel Fulgar, ginawaran ng Global Creator of the Year award sa Korea

Ayon pa raw kay Steya, 'Best Day Ever' daw ang party na inihanda ng kanyang Mommy Melai.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Melai Cantiveros-Francisco ay ang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Isa si Melai sa labis na kinagiliwan ng mga sumubaybay ng PBB kaya naman hindi kataka-takang siya ang binirang na panalo sa kanilang edition. Noon pa man ay likas na ang pagiging komedyante nito na agad na minahal ng manonood. Sa PBB rin niya nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak na sina Mela at Stela.

Kalaunan, naging host siya ng programang Magandang Buhay kung saan una niyang nakasama si Karla Estrada na ngayo'y pinalitan na ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Kasama rin niya si Jolina Magdangal. Patok ang samahan ng tatlo kaya naman patuloy silang namamayagpag at napapanood sa iba't ibang ABS-CBN platform.

Read also

Cristy sa palagiang pagbisita ni VG Mark kay Kris: "Meron silang ternong singsing e"

Matatandaang nag-viral ang kanilang video tungkol sa 'chicken nuggets' na labis na kinagiliwan ng netizens.

Dahil dito, isa na sa pinakaabangan ang vlogs ng pamilya nina Melai at Jason gayung nakikipagsabayan sa kakulitan ang kanilang mga anak na sina Ate Mela at Steya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica