Jerome Ponce, usap-usapan din sa post na "Love The Way You Lie"

Jerome Ponce, usap-usapan din sa post na "Love The Way You Lie"

- Nag-post din si Jerome Ponce ng cryptic post kasunod ng nilabas na video ni Sachzna Laparan kamakailan

- Kasunod ito ng paglabas ng balitang hiwalay na sila dahil bukod sa video ng pag-iyak ni Sachzna ay nag-unfollow sila sa isa't-isa

- Sa kanyang Instagram story ay binahagi niya ang kantang Love the Way You Lie na kinanta ni Eminem at Rihanna

- Maging sa kanyang Facebook account ay pinost niya ito kalakip ang timestamp na 0:25 - 1:40

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi din si Jerome Ponce ng makahulugang mensahe kasunod ng paglabas ni Scahzna Laparan ng video kung saan makikita siyang umiiyak. Sa kanyang Instagram story ay binahagi niya ang kantang Love the Way You Lie na kinanta ni Eminem at Rihanna.

Jerome Ponce, usap-usapan din sa post na "Love The Way You Lie"
Jerome Ponce, usap-usapan din sa post na "Love The Way You Lie" (@mrjeromeponce)
Source: Instagram

Samantala, sa kanyang Facebook post ay nagpost siya ng LTWYL na abbreviation ng naturang kanta. Umani ito ng mga shares at reaction lalo at mainit na pinag--usapan ang video na nilabas ni Sachzna na naging sanhi ng paglabas ng balitang hiwalay na sila.

Read also

Sabina Barretto, pinasalamatan sina Claudine Barreto at Raymart Santiago

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jerome Ponce ay unang nakilala sa seryeng Be Careful With My Heart bilang si Luke Andrew Lim. Ang kanyang girlfriend na si Sachzna Laparan ay isang actress, model at social media influencer. Siya ay isa sa kilalang mga vlogger sa bansa na may mahigit dalawang milyong subscribers. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Love Life (2019), Happy Breakup (2017) and Nothing But the Bests! (2017).

Inamin ni Sachzna na apektado siya sa lumabas na isyu matapos ang nasabi ni Zeinab Harake sa kanyang live video. Kaugnay ito sa malapit niyang kaibigang si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl na ayon kay Zeinab ay may nasabi din tungkol kay Sachzna. Hindi naman umano siya masyadong nasaktan sa sinabi ni Zeinab na wala naman siyang mapapala kung makikipag-collab siya kay Sachzna dahil totoo naman umano ito. Gayunpaman, hindi din umano malapit ang loob niya kay Zeinab dahil may nasasabi din ito laban sa kanya.

Sa isang bihirang pagkakataon ay muling nagkasama ang dating magka-tandem na sina Jomar Lovena at Sachzna. Gayunpaman, sa pagkakataong ito ay kasama nila ang kani-kanilang mga partner sa totoong buhay. Kasama din nina Jomar at Veybillyn ang kanilang anak na si Baby Sety nang pumunta sila kina Sachzna. Ikinatuwa ito ng mga tagahanga ng tambalan ng dalawa na nabuo noong magkasama pa lang sila sa mga vlogs nila.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate