Ogie Diaz, babatiin si Liza sakaling makita niya ito sa USA: "Anak-anakan natin 'yan"

Ogie Diaz, babatiin si Liza sakaling makita niya ito sa USA: "Anak-anakan natin 'yan"

- Nagtungo si Ogie Diaz sa Amerika kamakailan subalit nabanggit nitong hindi naman niya nakita si Liza Soberano

- Isa ito sa natalakay nila sa kanyang Showbiz Update channel kung saan natanong siya ni Ate Mrena ukol dito

- Ayon kay Ogie, sakali mang makita niya si Liza, wala naman umano siyang dahilan para hindi niya ito batiin

- Matatandaang naging kontrobersyal si Liza Soberano kamakailan matapos na ilabas ang 'This is Me' vlog nito na nagbukas sa kabi-kabilang isyu ukol sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakabalik na mula sa Amerika si Ogie Diaz at muli siya kasama mismo nina Mama Loi at Ate Mrena sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update.

Ogie Diaz, babatiin si Liza sakaling makita niya ito sa USA: "Anak-anakan natin 'yan"
Ogie Diaz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano sa kanilang natalakay ay ang tungkol sa tanong ni Mrena (Brenda) kung nagkita ba sina Ogie D at dating alagang si Liza Soberano.

Read also

Cristy, aminadong nakakatakot umanong maging ninang: "Lahat ng inaanak ko nagkakahiwalay"

"Hindi kami nagkita..." ani Ogie. "Wala naman kaming usapan na magkikita kami. Pero kung sakali na magkakasalubong kami, bakit naman hindi ko babatiin si Liza? Ano ka ba, anak-anakan natin 'yan," paliwanag pa niya.

"Kahit saan tayo magpunta, 'pag nakita ko 'yan si Liza babatiin ko 'yan. Nang-iintriga ka pa e," dagdag pa niya matapos na usisain pa rin siya ni Mrena.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaan kasi na matapos na ilabas ni Liza Soberano ang kanyang vlog na 'This is Me,' tila nagbukas ito sa pinto ng kabi-kabila at sanga-sangang isyu.

Isa na rito ang interview sa kanya ni Boy Abunda kung saan naisiwalat niya hatian ng porsyento sa naibibigay na proyekto kay Liza.

Dahil dito, inaakala ng marami na marahil ay hindi umano maayos ang dalawa. Gayunpaman, tulad ng nasabi ni Ogie, anak-anakan niya si Liza at sakaling mag-krus muli ang kanilang landas, babatiin pa rin niya ito.

Read also

Cristy, todo puri si Barbie Forteza: "Kasing kinis ng iyong kutis ang paghanga namin sa'yo"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa naturang episode din ng Showbiz Update, napag-usapan nina nina Mama Loi at Ate Mrena ang tungkol sa pinatutungkulan ni Ara Mina sa kanyang cryptic post kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica