Aljur Abrenica, inalalayan si Kylie Padilla sa stage ng 1st Summer MMFF parade of stars

Aljur Abrenica, inalalayan si Kylie Padilla sa stage ng 1st Summer MMFF parade of stars

- Nagkasama sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa isang entablado matapos nilang dumalo sa 1st Summer MMFF parade of stars

- Makikita sa isang video na sinubukan pang alalayan ni Aljur si Kylie nang paakyat ito sa entablado

- Maging si Gerald Anderson na leading lady ni Kylie sa kanilang pelikula ay inalalayan din ni Aljur

- Nagtanguan naman ang mag-asawa matapos batiin ni Kylie ang ibang kasamahan ni Aljur sa pelikula nilang "Single Bells"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dumalo sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa ginanap na 1st Summer MMFF parade of stars dahil parehas silang bahagi ng mga pelikulang kasali sa naturang film fest. Agad na inalalayan ni Aljur si Kylie nang paakyat ito sa entablado kasama si Gerald Anderson.

Aljur Abrenica, inalalayan si Kylie Padilla sa stage ng 1st Summer MMFF parade of stars
Aljur Abrenica, inalalayan si Kylie Padilla sa stage ng 1st Summer MMFF parade of stars (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Nagtanguan naman ang mag-asawa matapos batiin ni Kylie ang ibang kasamahan ni Aljur sa pelikula nilang "Single Bells". "Unrave" naman ang pamagat ng pelikula nina Kylie at Gerald.

Read also

Angeline Quinto at Alex Gonzaga, nagpagalingan sa English translation

Sa kabila ng paghihiwalay ay marami ang natuwa na makitang maayos ang pakikitungo nina Aljur at Kylie sa isa't-isa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Naitanong kay Kylie ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan. Sa ginanap na mediacon ng serye niyang Mga Lihim ni Urduja ay natanong din sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa pangbabash kina Aljur at AJ kasunod ng kanilang post kamakailan. Muli ay sinabi niyang hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang masaya siya para sa kanilang lahat.

Read also

Angelica Panganiban, pabirong ibinida si Greg: "Humanap kayo ng jowang nauutusan"

Diretsahang sinabi ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ. Aniya, hindi deserve ni AJ ang hate at bashing na kanyang tinatanggap mula sa mga netizens. Bilang tatay ng kanyang mga anak, gusto daw niyang masaya si Aljur para buo ang kasiyahan ng kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel