Angelica Panganiban, pabirong ibinida si Greg: "Humanap kayo ng jowang nauutusan"

Angelica Panganiban, pabirong ibinida si Greg: "Humanap kayo ng jowang nauutusan"

- Sa vlog ni Angelica Panganiban kung saan muli niyang naka-bonding sina Kim Chiu at Bela Padilla, pinakita niya din ang naging paghahanda nila ni Greg Homan

- Magkatuwang sila sa paghahanda ng pagkain para sa kanilang bisita na ayon kay Ange ay matagal ding hindi nakadalaw

- Marami ang humanga sa pagiging hands-on ni Greg dahil bukod sa karga niya ang kanilang anak ay tumutulong din ito kay Angge

- Pabirong sinabi ni Angelica sa kanyang mga viewers na humanap sila ng 'jowang nauutusan"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang napa-sana all sa bagong vlog ni Angelica Panganiban kung saan napansin ng mga netizens kung gaano ka-hands-on si Greg Homan sa pag-aalaga sa anak. Bukod dito ay hindi niya hinahayaang si Angelica lamang ang gumagawa ng mga gawain.

Read also

Kim Chiu at Bela Padilla, kinaaliwan sa kanilang "Never have I ever" video

Angelica Panganiban, pabirong ibinida si Greg: "Humanap kayo ng jowang nauutusan"
Angelica Panganiban, pabirong ibinida si Greg: "Humanap kayo ng jowang nauutusan" (@iamangelicap)
Source: Instagram

Sa isang bahagi ng video ay makikita itong nagpapaligo ng kanilang mga aso. Siya din ang kumakarga sa anak nila at nakatulog itong karga ng kanyang ama. Habang karga ang anak ay tumutulong din ito sa paghahanda ng pagkain. Pabiro ding sinabi ni Angelica sa kanyang mga viewers na humanap sila ng 'jowang nauutusan." natawa na lang din si Greg sa hirit na ito ni Angge.

Kaya naman, marami sa mga fans ni Angelica ang masaya para sa kanya:

So happy to see nag settle na ang idol ko. Deserve na deserve mo lahat ng happiness. Grabe kakaiyak kc andami nagmamahal sa'yo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Husband material ang Asawa ni Angelica. Grabe nagpa paligo ng aso at patulog ng baby tas luto pa Yan swerte ni Angge. Deserve mo kung ano meron ka ngayon.

Read also

Angeline Quinto at Alex Gonzaga, nagpagalingan sa English translation

Ganyan ang mag asawa nag tutulungan kahit pa sa mga gawaing bahay ..support ,love and respect each other.

Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala sa siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang murang edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.

Naibahagi ni Angelica ang kanyang mga na-block na numbers dahil sa spam messages at fake job offers na natanggap. Napatanong siya tungkol dito kung madami pa rin ba ang mga spam texts kung bago ang gagamitin mong sim card. Dahil sa kanyang tweet ay marami ang nagbahagi ng kanilang karanasan kaugnay sa pagkakatanggap ng spam messages. Mayroong nagsasabing kahit bago ang sim card ay nakakatanggap pa rin ng maraming text messages mula sa mga di kilalang number.

Sa kanyang vlog noong hindi pa siya nanganganak, humiling si Angelica sa kanyang boyfriend na si Gregg na i-foot massage umano siya nito sa unang araw mismo ng kanyang susunod na pagbubuntis. Ani Gregg, matagal pa naman iyon pero aniya ay okay naman sa kanya na gawin iyon para kay Angge. Mapapanood ito sa The Homans – ang YouTube channel nila ni Gregg kung saan gumawa siya ng Banana Bread Ice Cream. Nakatakdang manganak si Angelica sa unang baby nila ni Gregg na isang baby girl.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel