Angeline Quinto at Alex Gonzaga, nagpagalingan sa English translation

Angeline Quinto at Alex Gonzaga, nagpagalingan sa English translation

- Kinaaliwan ang bagong vlog ni Angeline Quinto kung saan nakasama niya si Alex Gonzaga

- Nagpagalingan sila sa pagsalin ng mga Tagalog phrases sa wikang Englis at ang hindi makasagot ng tama ay kakain o iinom ng mga inihandang maaasim na pagkain

- Isa pang kailangan nilang gawin ay kailangang hindi nila maipakitang nangangasim ang kanilang mukha

- Nakatakdang mapanuod sina Angeline at Alex sa isang pelikula na pinamagatang "Single Bells"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Alex Gonzaga ang nakasama ni Angeline Quinto sa kanyang pinakabagong vlog. Nagpagalingan sila sa pagsalin ng mga Tagalog phrases sa wikang Englis at ang hindi makasagot ng tama ay kakain o iinom ng mga inihandang maaasim na pagkain.

Angeline Quinto at Alex Gonzaga, nagpagalingan sa English translation
Angeline Quinto at Alex Gonzaga, nagpagalingan sa English translation (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Ani Angeline, kailangan din hindi maipakitang nangangasim ang kanilang mukha kapag kakain sila o iinom ng suka na siyang magsisilbing parusa sa hindi makasagot ng tama. Pagkatapos ng kanilang nakakaaliw na challenge ay nagpromote ang dalawa ng kanilang movie na "Singel Bells"

Read also

Angelica Panganiban, pabirong ibinida si Greg: "Humanap kayo ng jowang nauutusan"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Sa isang vlog ay inamin ni Angeline na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina. Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens. Ito umano ang kauna-unahang panayam na pinaunlakan nilang magkasama lalo at mahiyain umano si Nonrev. Nakwento din ng dalawa ang kanilang problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol ng manager ni Angeline sa relasyon nila.

Naibahagi ni Angeline ang video ng kanyang pagprank kay dating Manila CMayor Isko Moreno nang i-guest siya nito sa kanyang online show. Nagkunwari si Angeline na masama ang kanyang pakiramdam at sinimulan niyang ipaalam sa staff ni Yorme na masama ang kanyang pakiramdam. Sa kalagitnaan ng show ay nagkunwari si Angeline na hinimatay siya habang naglalakad na ayon kay Yorme ay talagang ikinataranta niya. Agad umanong pinapatay ni Yorme ang mga cellphone nang makitang natumba si Angge para daw maprotektahan ito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate