Derek Ramsay, napa-mura sa kaba sa canyon swing experience nila ni Ellen Adarna

Derek Ramsay, napa-mura sa kaba sa canyon swing experience nila ni Ellen Adarna

- Nag-post si Ellen Adarna ng isang maikling video clip na kuha sa kanilang canyon swing activity ni Derek Ramsay sa Switzerland kung saan kasalukuyan silang nagbabakasyon

- Hindi napigilang mapamura ni Derek matapos sumablay ang unang pagtanggal ni Ellen ng bahagi ng swing na nakakabit bago ang kanilang canyon swing

- Napasigaw naman silang parehas nang tuluyan nang matanggal ng kanilang swing sa pagkakakabit at mabilis silang bumulusok pababa

- Pinakita din ni Ellen ang kanilang reaksiyon habang sila ay bumubulusok pababa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay sa binahaging Instagram post ni Ellen kung saan pinakita niya ang canyon swing experience nila ng mister. Pinakita niya rin ang kanilang mga reaksiyon habang bumubulusok sila pababa.

Derek Ramsay, napa-mura sa kaba sa canyon swing experience nila ni Ellen Adarna
Derek Ramsay, napa-mura sa kaba sa canyon swing experience nila ni Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Sa maiksing video clip ay napamura pa si Derek matapos sumablay ang paghila ni Ellen ng isang bahagi para tuluyan silang makapag-swing. Parehas din silang napasigaw nang tuluyan na nga silang bumulusok pababa.

Read also

AJ Raval, ibinida ang bagong video matapos ang pagpapatanggal ng implants

Ayon pa kay Ellen, ibabahagi nila sa kanilang vlog ang kaganapan sa kanilang date para ipagdiwang ang birthday niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel