Candy Pangilinan, binahagi ang nakakaaliw na pagsayaw ni Quentin

Candy Pangilinan, binahagi ang nakakaaliw na pagsayaw ni Quentin

- Binahagi ni Candy Pangilinan ang video ng pagsaya ng anak niyang si Quentin

- Makikita sa video na naroroon din si Ariel Rivera na ninong ni Quentin

- Ani Candy, palaging masaya si Quentin tuwing nakikita ang kanyang ninong

- Marami ang naaliw at natuwa sa video na ito na binahagi ni Candy sa Instagram

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Quentin, ang anak ni Candy Pangilinan sa video na binahagi ni Candy. Makikita sa video ang nakakaaliw na pagsayaw ni Quentin.

Candy Pangilinan, binahagi ang nakakaaliw na pagsayaw ni Quentin
Candy Pangilinan, binahagi ang nakakaaliw na pagsayaw ni Quentin (@candypangilinan)
Source: Instagram

Sa naturang video ay naroroon din si Ariel Rivera na ninong din ni Quentin. Ani Candy, palaging masaya si Quentin tuwing nakikita ang kanyang ninong.

Maging si Ariel at natawa at naaliw sa performance ni Quentin.

Base sa caption ni Candy, dumalo sila sa grand opening ng Generika sa Virra Mall Greenhills.

Read also

Andrea Brillantes, muling nakasama si Kyle Echarri sa kanyang vlog: "My best friend is back!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maririnig sa naturang video ang tawa ni Janice de Belen na siya ding kumuha ng video.

Always happy si Quentin to see ninong @rivera.arieljose. Grand Opening of Generika, Virra Mall Greenhills. Akala ni Quentin, dance party. At least hindi bored yung mga nakapila para magpakonsulta.

Si Maria Carmela Espiritu Pangilinan o mas kilala sa screen name niyang Candy Pangilinan ay isang aktres at komedyante. Ginawaran siya ng parangal bilang best actress sa CineFilipino 2016 at Los Angeles International Film Festival para sa pelikulang Star Na Si Van Damme Stallone.

Matatandaang ibinahagi ni Candy na tinamaan muli siya ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon. Disyembre ng 2020 siya unang tinamaan ng COVID kung saan asymptomatic naman daw siya. Ngunit ngayon, nanghina siya, sumakit ang ulo at katawan at nagkaroon din ng sipon at ubo. Hiling niyang hindi niya nahawa ang iba pa niyang kasama sa kanilang tahanan lalo na ang anak niyang si Quentin at ang kanyang ina.

Read also

Xia Vigor at Sophia Reola, pinagluksa ang pagpanaw ng kapwa child star nilang si JM Canlas

Matapos niyang ibahagi ang pagpositibo niya sa COVID sa pangalawang pagkakataon, minabuti ni Candy na alamin kung may kasama pa siya sa bahay na tinamaan din ng COVID. Sa kabila kasi ng kanyang pag-iisolate, posibleng mayroon din ang kanyang kasamahan sa bahay dahil nakasalamuha niya ang mga ito bago niya natuklasang may COVID siya. Matapos ang antigen test sa kasamahan niya sa bahay, tanging ang kanyang mommy ang nag-negative ngunit kailangan pa itong kumpirmahin sa pamamagitan ng isa pang test. Kasama ang kanyang anak na si Quentin sa nagpositibo rin sa COVID.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate