Ivana Alawi, natulala at napaluha sa Extreme Spicy Challenge ni Hash Alawi

Ivana Alawi, natulala at napaluha sa Extreme Spicy Challenge ni Hash Alawi

- Kumasa si Ivana Alawi sa hamon ng kanyang kapatid na si Hashim Alawi na Extreme Spicy Challenge

- Bilang si Ivana ang pinakamahilig sa maanghang sa kanilang pamilya, ito lang ang tumanggap sa pinakahuling level ng challenge kung saan kumain sila ng Paqui chips

- Ito daw ang tinatawag na pinakamaanghang na chips at naging challenge din sa ibang vlogs

- Parehas silang naluha ni Hash matapos kainin ang naturang chips

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naluha at natulala si Ivana Alawi matapos niyang kumasa sa Extreme Spicy Challenge ng kapatid niyang si Hash Alawi. Matapos ang challenge ay nagbabala si Hash na huwag gawin ang challenge dahil hindi umano safe para sa lahat.

Ivana Alawi, natulala at napaluha sa Extreme Spicy Challenge ni Hash Alawi
Ivana Alawi, natulala at napaluha sa Extreme Spicy Challenge ni Hash Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Bilang pinakamahilig sa maanghang, hindi inatrasan ni Ivana ang pagkain ng Paqui chips na tinatawag na pinakamaanghang na chips.

Read also

Mystica, labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaisa-isang anak

Sa huling bahagi ng video ay sinabi ni Hash na sumakit ang tiyan nilang dalawa. Naging maayos umano ang pakiramdam ni Ivana ngunit hindi umano ang naging maganda ang epekto kay Hash. Nagsuka daw siya ng dugo kaya nagbigay siya ng babala sa kanyang mga tagapanuod.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Nagbahagi si Ivana ng isang quote tungkol sa pagkakaroon ng mabuting kalooban. Aniya, maaring mawala ang kagandahang panlabas ngunit ang pagkakaroon ng mabuting puso ay mananatili. Marami naman sa kanyang mga followers ang sumang-ayon sa binahagi niyang kasabihan. Isa umano si Ivana sa mga taong bukod sa mayroong kagandahang panlabas ay mayroon ding mabuting kalooban.

Binahagi ni Ivana sa vlog niya kasama ang kanyang ate na si Amira Alawi at ang kanilang mama. Sinama niya sila sa pamimili ng ukay-ukay na damit at dapat ay hindi sila lumagpas sa kanilang budget na tig P1,000 kada isa. Binigay naman ni Ivana ang pagpapasya sa mga viewers ng vlog niya para matukoy kung sino ang may pinakamagandang napamili sa kanilang tatlo. Ani Ivana, makakatanggap ng P50,000 ang mananalo sa kanilang "Ukay Shopping Challenge."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel