Mystica, labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaisa-isang anak

Mystica, labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaisa-isang anak

- Nagdadalamhati si Mystica sa pagpanaw ng kanyang kaisa-isang anak na si Stanley Villanueva

- Sa kanyang video na binahagi sa social media ay hindi nito napigilang maiyak habang nagbibigay ng mensahe sa anak

- Matatandaang Oktubre lang ng nakaraang taon nang pumanaw naman ang 15 anyos niyang apo

- Base sa kanyang Facebook post ay cardiomyopathy, liver cirrhosis and pneumonia ang naging sanhi ng pagpanaw ng anak niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis na nagdadalamhati si Mystica sa pagpanaw ng kanyang kaisa-isang anak na si Stanley Villanueva. Ilang buwan pa lamang ang nakakaraan nang pumanaw din ang kanyang apo.

Mystica, labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaisa-isang anak
Mystica, labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaisa-isang anak (www.facebook.com/realtalkwithmystica)
Source: Facebook

Base nga sa kanyang post ay ardiomyopathy, liver cirrhosis and pneumonia ang naging sanhi ng pagpanaw ng anak niya. Binanggit niya rin ang isang pangalan ng aniya'y nangikil sa anak niya na dinamdam umano nito at nagpalala ng kondisyon ng kanyang kalusugan.

Read also

Toni Fowler, nasabihang isnabera matapos tanggihan ang ilan na gustong magpa-picture

Kasalukuyang nasa Amerika si Mystica. Gayunpaman, sa kanyang pagbabahagi sa pamamagitan ng kanyang vlog ay nakatulong niya ang anak noong ito ay malakas pa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay ay isang aktres na nakabilang sa mga palabas kagaya ng Ang Probinsyano (2015), D' Uragons (2002) and Pipo (2009). Tinagurian din siyang 'split queen' nang sumikat siya bilang isang mang-aawit.

Matatandaang hindi pinalampas ni Mystica ang TikToker na si Jam Magno kaugnay sa mga pahayag nito laban kay Rabiya Mateo. Hindi nagustuhan ni Mystica ang mga pahayag ni Jam laban sa pambato ng Pilipinas dahil lang umano sa paninindigan nito bilang isang babae. Ang tinutukoy niya ay ang naging pahayag ni Rabiya kaugnay sa pagiging "capable" din ng mga babae na maging leaders kagaya ng mga kalalakihan. Matatandaang sinupalpal ni Jam si Rabiya kaugnay nito kung saan sinabihan siya nitong dapat ay naging maingat ang beauty queen sa kanyang opinyon.

Sa kanyang YouTube channel, hindi napigilang magalit ni Mystica sa isang security personnel ng isang mall. Ito ay matapos kumanta ni Mystica at sinita siya ng personnel at sinabihan siyang pasara na ang store. Hindi nagustuhan ni Mystica ang pagpapahiya umano sa kanya ng personnel gayong ni-request lang naman umano ng ilang staff na kumanta siya. Aniya, sa ilang beses na ginawa niya ito sa naturang mall ay ngayon lang siya nakarans ng ganun.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel