Mystica, binanatan si Jam Magno sa pambabatikos nito kay Rabiya Mateo

Mystica, binanatan si Jam Magno sa pambabatikos nito kay Rabiya Mateo

- Hindi pinalampas ni Mystica ang TikToker na si Jam Magno kaugnay sa mga pahayag nito kay Rabiya Mateo

- Hindi nagustuhan ni Mystica ang mga pahayag ni Jam laban sa pambato ng Pilipinas dahil lang umano sa paninindigan nito bilang isang babae

- Ang tinutukoy niya ay ang naging pahayag ni Rabiya kaugnay sa pagiging "capable" din ng mga babae na maging leaders kagaya ng mga kalalakihan

- Matatandaang sinupalpal ni Jam si Rabiya kaugnay nito kung saan sinabihan siya nitong dapat ay naging maingat ang beauty queen sa kanyang opinyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang supalpalin ni Mystic si Jam Magno kaugnay sa mga naging pahayag nito laban kay Rabiya Mateo kaugnay sa binahagi nitong opinyon sa pagkakaroon ng kakayahan ng kababaihan na mamuno.

Mystica, binanatan si Jam Magno sa pambabatikos nito kay Rabiya Mateo
Mystica (www.facebook.com/realtalkwithmystica)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Isang fan ni Rabiya Mateo, viral dahil sa kanyang reaksiyon sa resulta ng pageant

Ayon kay Mystica, hindi dapat pagsalitaan si Rabiya dahil sa kanyang opinyon dahil iba-iba ng pag-iisip ang bawat tao.

Matatandaang lumikha ng ingay sa online community ang naging pahayag ni Jam kay Rabiya kaugnay sa isyu matapos ihayag ni President Rodrigo Duterte ang kanyang sinabi kaugnay sa bali-balitang tatakbo sa pagkapangulo ang anak niyang si Sara Duterte.

"My daughter is not running. I have told Inday not to run kasi naaawa ako sa daraanan niya na dinaanan ko. Hindi ito pambabae. The emotional setup of a woman and a man is totally different."

Narito ang pahayag ni Mystica laban kay Jam.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay ay isang aktres na nakabilang sa mga palabas kagaya ng Ang Probinsyano (2015), D' Uragons (2002) and Pipo (2009). Tinagurian din siyang 'split queen' nang sumikat siya bilang isang mang-aawit.

Read also

Marco Gumabao, nilinaw na suportado nila ng kapatid si Rabiya Mateo

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay sinagot din ni Mystica si Kris Aquino matapos ihayag ni Kris ang saloobin kaugnay sa paninira sa kanyang mga anak.

Naging kontrobersiyal din ang reklamo niya sa umano'y unfair treatment sa kanya sa seryeng "Owe My Love." Gayunpaman, wala umano siyang sama ng loob nang palitan siya ni Patani sa nasabing show.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel