Toni Fowler, nasabihang isnabera matapos tanggihan ang ilan na gustong magpa-picture

Toni Fowler, nasabihang isnabera matapos tanggihan ang ilan na gustong magpa-picture

- Nabanggit ni Toni Fowler na marami naman siyang napagbigyang kababayan na gustong magpa-picture sa kanya

- Gayunpaman, mayroon siyang natanggihan na iba dahil katwiran niya ay nauubos na ang oras nila para sa birthday celebration ng anak niyang si Tyronia

- Aniya, naririnig niya pang nasasabihan siya ng ibang hindi napagbibigyan na isnabera daw siya

- Dinala ni Toni ang anak at mga kasamahan sa ToRo family sa Singapore sa kanilang pagcelebrate ng 11th birthday ni Tyronia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Toni Fowler, marami naman siyang napagbigyang kababayan sa Singapore na gustong magpa-picture sa kanya. Gayunpaman, may mga tinanggihan daw siya dahil nauubos na ang oras nila na para sana sa birthday celebration ng anak.

Toni Fowler, nasabihang isnabera matapos tanggihan ang ilan na gustong magpa-picture
Toni Fowler, nasabihang isnabera matapos tanggihan ang ilan na gustong magpa-picture (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Dagdag pa ni Toni, nasasabihan daw siya ng iba na isnabera daw siya dahil hindi niya napagbigyan ang ilan. Dinala ni Toni ang anak at mga kasamahan sa ToRo family sa Singapore sa kanilang pagcelebrate ng 11th birthday ni Tyronia.

Read also

Ruffa Gutierrez, nagpapasalamat sa ina dahil hindi siya napariwara

Si Toni Fowler ay social media influencer at vlogger na nakilala bilang lider ng ToRo family. Kasama niya dito ang kanyang kapamilya at kaibigan at magkakasamang gumagawa ng mga content. Bukod sa vlogging ay mayroon ding naipundar na negosyo si Toni. Kamakailan nga ay naging bahagi siya ng seryeng FPJ's Batang Quiapo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel