Ruffa Gutierrez, nagpapasalamat sa ina dahil hindi siya napariwara

Ruffa Gutierrez, nagpapasalamat sa ina dahil hindi siya napariwara

- Naibahagi ni Ruffa Gutierrez ang ginawa noon ng kanyang inang si Annabelle Rama sa kanyang mga manliligaw

- Aniya, umabot sa puntong tumawag pa ang mommy niya sa nanay ng nanliligaw sa kanya para patigilin sa panliligaw ang anak

- Hinaharang pa daw nito kung minsan sa gate ang manliligaw at pinapauwi ang manliligaw niya

- Nang maging nanay na siya ay nagpapasalamat daw si Ruffa sa ginawa ng kanyang mommy dahil hindi siya napariwara noong mas bata pa siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Ruffa Gutierrez kung gaano umano ka terror ang ina niyang si Annabelle Rama noon sa kanyang mga manliligaw. Sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez, sinabi niyang nang maging nanay na siya ay nagpapasalamat daw si Ruffa sa ginawa ng kanyang mommy dahil hindi siya napariwara noong mas bata pa siya.

Read also

Toni Fowler, nasabihang isnabera matapos tanggihan ang ilan na gustong magpa-picture

Ruffa Gutierrez, nagpapasalamat sa ina dahil hindi siya napariwara
Ruffa Gutierrez, nagpapasalamat sa ina dahil hindi siya napariwara (@iloveruffag)
Source: Instagram

Aniya, umabot sa puntong tinatawagan noon ng kanyang mommy ang nanay ng kanyang manliligaw para patigilin sa panliligaw.

Nang matanong kung gagawin niya din daw ba ito sa kanyang mga anak, ani Ruffa ay kakausapin niya at sasabihin sa maayos na paraan. gayunpaman, sa tingin niya ay nasa tamang edad na ang anak para malaman ang tama at mali.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ruffa Gutierrez o mas kilala bilang si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez sa totoong buhay ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Ang kanyang mga magulang ay sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant.

Pinagtanggol ni Annabelle Rama ang anak na si Ruffa sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya. Wala itong binanggit na pangalan ngunit pinagsabihan ni Anabelle ang taong aniya'y kung magkwento ay parang CCTV ni Ruffa. Aniya, huwag itong maging "chismosang Marites" at ayusin na lang umano nito ang kaso niya. Nagtanong pa ito na baka nagpapansin lang ang kanyang pinatutungkulang tao para mapasali sa Maid in Malacañang.

Ayon naman sa abogado ni Ruffa, black propaganda lamang ang nilabas na isyu kaugnay sa aktres. Ito umano ay dahil gaganap si Ruffa bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang. Tinitingnan umano ng kampo ng aktres ang maaring gawing aksyon upang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya. Matatandaang nauna nang pinabulaan ni Ruffa ang tungkol sa akusasyong pinaalis ang mga kasambahay nang hindi binabayaran ng kanilang sahod.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel