Rendon Labador: "Baka lahat ng fans ni Coco ay palamunin lang"

Rendon Labador: "Baka lahat ng fans ni Coco ay palamunin lang"

- Ayon kay Rendon Labador, matapos ang nangyari sa kanya sa opening ng kanyang negosyo ay meron siyang mga realizations

- Kabilang umano dito ang pagpersonal sa kanya masyado ng mga tagahanga ng aktor na si Coco Martin

- Aniya pa, baka mga palamunin ang mga fans ni Coco dahil hindi daw nila kayang bumili ng ticket na nagkakahalaga ng P2,000

- Matatandaang naglabas ng sama ng loob si Rendon kaugnay sa umano'y pamemersonal ng fans ni Coco Martin matapos daw walang bumili ng ticket sa pagbubukas ng kanyang negosyo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Rendon Labador, may mga napagtanto siya matapos ang nangyari sa opening ng kanyang negosyo. Aniya pa, baka mga palamunin ang mga fans ni Coco dahil hindi daw nila kayang bumili ng ticket na nagkakahalaga ng P2,000.

Read also

Zeinab Harake, ipinakita ang ilang pictures mula sa kanyang Blackpink concert experience

Rendon Labador: "Baka lahat ng fans ni Coco ay palamunin lang"
Rendon Labador: "Baka lahat ng fans ni Coco ay palamunin lang" (Rendon Labador)
Source: Facebook

Sinabi niya rin na madamdamin masyado ang mga fans ni Coco at pinersonal siya.

Masyadong madamdamin ang mga fans ni Coco.Pinersonal ako. Pangalawa: Baka lahat ng fans ni Coco ay palamunin lang, kaya kahit 2,000 Ticket ay hindi ma afford,"

Nitong nakaraang Sabado ay nakatakda ang pagbubukas ng kanyang negosyo kung saan gumastos iya ng milyon. Gayunpaman, wala daw bumili ng ticket dahil daw siya ay pinersonal gayong pinagtanggol niya lang ang karapatan ng mga negosyante.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Read also

Rendon Labador, gumastos ng 1.2 M sa event: "Pinersonal na ako ng Coco fans"

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel