Rendon Labador, gumastos ng 1.2 M sa event: "Pinersonal na ako ng Coco fans"

Rendon Labador, gumastos ng 1.2 M sa event: "Pinersonal na ako ng Coco fans"

- Naglabas ng saloobin si Rendon labador matapos daw walang bumili ng ticket sa opening ng kanyang negosyo

- Sa kanyang Facebook account, binahagi niyang gumastps siya ng 1.4 M para sa event at 800K naman daw para sa fine dining

- Bukod pa dito ay umabot sa P400,000 ang ginastos niya daw sa mga mamahaling drinks

- Aniya, pinersonal daw siya ng mga fans ni Coco Martin na pinuna niya kamakailan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Rendon Labador, nasayang ang ginastos niya para sa opening ng kanyang negosyo dahil aniya ay pinersonal siya ng fans ni Coco Martin. Gumastos daw siya ng 1.4 M para sa event, halos P800K sa pagkain at P400K naman sa aniya'y high end drinks.

Rendon Labador, gumastos ng 1.2 M sa event: "Pinersonal na ako ng Coco fans"
Rendon Labador, gumastos ng 1.2 M sa event: "Pinersonal na ako ng Coco fans" (Rendon Labador)
Source: Facebook

Sa kanyang post ay nagpaliwanag siya at nagsabing pinaglaban niya lang ang karapatan ng mga negosyante.

Read also

Kristel Fulgar, kinuhang ambassador ng isang Korean brand

Grabe, napaka sakit nito Pinag lalaban ko lang naman ang karapatan ng mga negosyante. Parang ako pa yung naging masama. Ano ngyayari sa Pilipinas

IIlang beses nitong pinuna si Coco Martin kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo na naapektuhan sa shooting ng serye ni Coco.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Read also

Jim Morales, naka-toga patungong Japan: "Thank you immigration Philippines"

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel