Jim Morales, naka-toga patungong Japan: "Thank you immigration Philippines"

Jim Morales, naka-toga patungong Japan: "Thank you immigration Philippines"

- Kinagiliwan online ang aktor na si Jim Morales sa naisip nitong isuot patungong Japan

- Sa kanyang post, makikitang naka-toga siya sa airport patungong Osaka

- At nang makarating sa destinasyon, pinasalamatan niya ang mga taga immigration sa Pilipinas

- Matatandaang isang Pinay ang na-miss ang kanyang flight kamakailan sa dami ng tanong ng immigration officer at isa na rito ang tungkol sa yearbook at toga picture

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Viral ngayon ang post ng 'He's into her' actor na si Jim Morales kung saan nakasuot ito ng toga sa pagpunta niya sa Japan.

Jim Morales, naka-toga patungong Japan: "thank you immigration PH"
Jim Morales (Jim)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa naturang post, kumuha siya ng larawan habang suot ang toga sa airport pa lamang sa Pilipinas.

"Ewan ko na lang talaga" ang caption ng nauna niyang post.

Read also

Zeinab Harake, ipinakita ang ilang pictures mula sa kanyang Blackpink concert experience

Sinundan naman ito ng larawang kuha niya nang makarating na sila sa Osaka.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ung nalagpasan mo ang katanungan ng immigration sa pinas," ang caption naman ng kanyang post nang makarating sa Japan.

Pinasalamatan din niya ang immigration sa Pilipinas na aniya'y mababait kaya naman nakarating daw siya ng maayos sa kanyang destinayon.

"Nakadating na po tayo sa Japan. Madali lang pong nakapasok ako sa immigration po sa Pilipinas. Sobramg babait po. Sobrang babait ng immigration sa Pilipinas!"

At dahil sa pagiging likas na komedyante, nabanggit ni Jim na wala raw siyang dalang jacket gayung malamig ngayon sa Japan dahil ang mas naisip niyang dalhin ay ang kanyang toga.

Si Jim Morales ay isang aktor, komedyante at vlogger sa Pilipinas. Isa rin siya sa cast ng hit series na 'He's Into Her' na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Minsan na rin siyang nakilala bilang si "Pambansang Hakdog" dahil sa kanyang mga makukulit na vlogs.

Read also

Rendon Labador, gumastos ng 1.2 M sa event: "Pinersonal na ako ng Coco fans"

Samantala, nag-viral din kamakailan ang isang babaeng na-miss ang flight niya dahil umano sa dami ng katanungan ng immigration officer.

Isa na rito ang kanyang toga picture at yearbook bilang patunay na ito raw umano ay nagtapos.

Dahil dito, sunod-sunod din na nag-post ang mga netizens ng kanilang toga picture upang may madaling maipakita sa immigration sakaling sila ay bibyahe gayung isa pala raw ito sa mga itinatanong.

Samantala, dahil sa kinailangang mag-rebook ng flight ang naturang pasahero, napagastos muli ito sa para sa kanyang ticket at iba pang bayarin sa sirport. Hiling niyang mabigyan siya ng tulong pinansyal dahil sa nangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel