Yassi Pressman, binahagi na siya ay single na; Jon Semira naka-unfollow sa kanya
- Binahagi ni Yassi Pressman na hinsi siya triple, hindi double kundi single
- Kasunod ng kanyang pahiwatig na ito ay napansin ng mga netizens na hindi na naka-follow sa kanya si Jon Semira
- Sa isang post ay nagpahiwatig siya na masaya siya na siya ay malaya kagaya ng kanyang tattoo na hummingbir
- Matatandaang sa pamamagitan ng isang post ay naibahagi noon ni Yassi ang tungkol sa kanilang relasyon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Binahagi ni Yassi Pressman na siya ay single na. Sa isang post ay nagpahiwatig siya na masaya siya na siya ay malaya kagaya ng kanyang tattoo na hummingbird.
Matatandaang sa unang pagkakataon ay nagbahagi ng kanyang birthday message si Yassi Pressman para sa kanyang boyfriend na sinasabing ang Filipino-Canadian basketball player na si Jon Semira. Nag-post si Yassi kung saan makikitang hinahalikan niya sa pisngi ang boyfriend.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Samantala, marami naman ang nakapansin na hindi na naka-follow sa kanya si Jon Semira.
Si Yassi Pressman o Yasmin Isabel Yasto Pressman sa totoong buhay ay isang Filipino-British model, actress, television personality, singer, at dancer. Matatandaang naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumanap siyang Alyana Arevalo, ang asawa ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin.
Nagbahagi si Yassi Pressman ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram stories sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang kapatid. Hindi nito diretsahang sinabi na patungkol sa isyu ng kanyang kapatid ang sinabi niyang dapat abangang "2 sides of a story". Sa pag-viral ng picture ng kapatid niyang si Issa Pressman kasama si James Reid, naungkat ang ginawang pagtatanggol ni Yassi noon sa kapatid. Ito ay sa kasagsagan ng pagkakadawit noon kay Issa sa hiwalayang James at Nadine Lustre.
Nagsalita naman si James kaugnay sa isyung kinasasangkutan nila ni Issa kasunod ng pag-post nila ng pictures nilang magkasama. Ani James, walang katotohanan ang mga haka-haka tungkol kay Issa at mga rumors lamag daw ang lahat ng iyon. Hindi niya raw ugali na sagutin ang mga bashers o makisali sa hate culture ngunit aniya ay kailangan niya nang magsalita. Aniya pa, hindi niya hahayaang mawala sa kanya ang simula ng "something beautiful" sinabi niya din na ngayon siya naging pinakamasaya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh