LJ Reyes, inihayag ang saloobin sa pagpapakasal: "The happiest I have ever been"

LJ Reyes, inihayag ang saloobin sa pagpapakasal: "The happiest I have ever been"

- Binahagi ni LJ Reyes ang ilang pictures na kuha sa kasal nila ng partner niyang si Philip Evangelista

- Inilarawan niya ang okasyon bilang pinakamasaya raw na naranasan niya sa kanyang buhay dahil binuo sila ng Panginoon

- Bumuhos ang pagbati kay LJ at mga mensahe para sa kanyang kaligayahan kasama ang kanyang pamilya

- Matatandaang nitong October 8 ay ginanap ang kasal ng aktres na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga kaibigan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni LJ Reyes ang ilan sa mga wedding pictures nila. Sa kanyang Instagram post ay inihayag ni LJ ang kanyang saloobin.

LJ Reyes, inihayag ang saloobin sa pagpapakasal: "The happiest I have ever been"
LJ Reyes, inihayag ang saloobin sa pagpapakasal: "The happiest I have ever been" (@lj_reyes)
Source: Instagram

"The happiest I have ever been"—ito ang paglalarawan ni LJ sa kanyang naramdaman sa wedding day niya kung saan sinabi niya ring binuo sila ng Panginoon.

The happiest I have ever been because God completed us.

Read also

KC Concepcion sa reunion concert ng mga magulang: "I wouldn’t miss this for the world"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Binahagi din ni LJ ang isang Bible verse kalakip ng kanyang post.

“And we know that God causes everything to work together for the good of those who love God and are called according to his purpose for them.” ‭‭Romans‬ ‭8‬:‭28‬

Samantala, marami ang naghayag ng kanilang pagbati sa bagong kasal. Narito ang ilang mensahe:

Your life indeed is a wonderful testimony. You may not know me, but I am rejoicing and celebrating God's wonderful story unfolding before your eyes.
Congratulations to both of you!!! Pure and genuine joy, peace and happiness radiates in you and within you!!! Your home and heart is complete.
In every pain, there’s a new beginning ❤️ you deserve the best in life Ms. Lj

Matatandaang agaw-pansin ang ganda ni LJ sa binahaging Pre wedding pictures ng Nice Print Photography. Sa E session nila ng kanyang fiance na si Philip Evangelista, ayon sa mga netizens ay bakas ang tunay na kaligayahan sa mga mata ni LJ.Marami naman sa kanyang mga dating kasamahan sa showbiz ang mga bumati kay LJ.

Read also

Video na kuha sa kasal nina LJ at Philip, mabilis na nag-viral

Si LJ Reyes o Lourna Jane Pujeda Reyessa totoong buhay ay isang Filipina actress. Sumikat siya nang tanghaling isa sa Final Four sa 2nd season ng reality talent search ng "StarStruck".

Kamakailan ay binahagi ni LJ ang picture ng anak nila ni Paolo Contis na si Summer. Sa naturang picture, makikita si Summer na nasa park at nakangiti sa camera. Marami sa mga netizens ang nagkomento sa pagiging cute ng anak ni LJ. Matatandaang noong nakaraang taon ay tumulak papuntang New York ang mag-iinang LJ, Aki at Summer at doon na namalagi.

Isang pagbati naman ang binahagi ni LJ para sa kaarawan ng panganay na anak niyang si Aki. Sa kanyang Instagram post, binahagi ni LJ ang mga litrato ng anak. Isang nakakaantig na mensahe ang kalakip ng kanyang mga pictures. Ani LJ, marami siyang natutunan kay Aki pagdating sa pagiging magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel