KC Concepcion sa reunion concert ng mga magulang: "I wouldn’t miss this for the world"

KC Concepcion sa reunion concert ng mga magulang: "I wouldn’t miss this for the world"

- Binahagi ni KC Concepcion ang poster ng reunion concert ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion

- Aniya, hinding-hindi niya ito kakaligtaan at kabilang siya sa dadalo sa 'Dear Heart' concert sa October 27, 2023 sa MOA Arena

- Matatandaang nauna nang naihayag ni KC ang kanyang kasiyahan na makitang magkasamang muli ang kanyang mga magulang

- Marami sa mga fans ng tambalan nina Gabby at Sharon ang natuwa na makitang suportado ng anak nila ang naturang concert

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni KC Concepcion ang poster ng reunion concert ng kanyang mga magulang. Inihayag niya ang kanyang suporta at hinding-hindi raw niya ito kakaligtaan.

KC Concepcion sa reunion concert ng mga magulang: "I wouldn’t miss this for the world"
KC Concepcion sa reunion concert ng mga magulang: "I wouldn’t miss this for the world" (@cristinaconcepcion)
Source: Instagram

Gaganapin ang 'Dear Heart' concert sa MOA Arena sa October 27, 2023.

I wouldn’t miss this for the world See you there

Read also

LJ Reyes, ikinasal na umano sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista

Matatandaang kabilang si KC sa mga naunang naghayag ng kasiyahan sa reunion project na ito ng kanyang mga magulang. Aniya, excited siyang makitang muli na magkasama sina Gabby at Sharon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang ilan sa mga komento ng fans nina Gabby at Sharon:

Happy for u kc.. on that big night, buo kayong family of 3... we'll surely watch You.
Alam namin na ikaw pinaka masaya sa Araw nA Yan KC ❤️
Genuinely happy for you❤️❤️❤️, if we fans are super happy, for sure your the happiest among us

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Cherie Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw nang pumanaw na ito. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkawala ng kaibigan.

Read also

Alex Gonzaga, ibinahaging may masakit na pinagdadaanan sila ng asawa

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel