Ogie D, nabanggit na binalikan ng netizens ang umano'y tsismis noon kina Yassi at Coco

Ogie D, nabanggit na binalikan ng netizens ang umano'y tsismis noon kina Yassi at Coco

- Nabanggit ni Ogie Diaz na binalikan ng netizens ang umano'y tsismis noon tungkol kina Yassi Pressman at Coco Martin

- Ito ay matapos na ipagtanggol ni Yassi ang kapatid na si Issa ng ngayo'y girlfriend na umano ni James Reid

- Matatandaang gumawa ng ingay noon ang tsismis na kaya nawala si Yassi sa 'Ang Probinsyano' ay napagselosan umano ito ni Julia

- Napabalita ito sa panahong marami na umano ang nakakapansing may relasyon sina Coco ay Julia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, Dyosa Pockoh at Ate Mrena sa Showbiz Update ay ang isyu ngayon ng pagsasapubliko umano ng relasyon nina James Reid at Issa Pressman.

Ogie D, nabanggit na binalikan ng netizens ang umano'y tsismis noon kina Yassi at Coco
Yassi Pressman (@yassipressman)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kabi-kabila ang naging espekulasayon sa naturang relasyon kung saan ilang pangalan din ang lumabas tulad ng ex-girlfriend ni James na si Nadine Lustre at ang kapatid naman ni Issa na si Yassi Pressman.

Read also

Cristy sa 'Careless': "Mamumuhunan ba kayo kung walang pangalan si Liza?"

Matatandaang minsan na ring naipagtanggol ni Yassi ang kapatid sa akusasyong si Issa umano ang dahilan ng hiwalayan noon nina James at Nadine.

Sinuportahan pa ito ng ilang fans na naglabas ng sinasabi nilang ebidensya sa naturang espkulasyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil sa pagtatanggol na ito ni Yassi, maging siya umano ay naresbakan ng mga netizens at naungkat ang naging isyu nito noon sa pagkakatanggal ng karakter nito sa Ang Probinsyano.

"Biglang binuweltahan naman ng mga fans itong si Yassi. Noon daw na si Yassi ay nasa Probinsyano, ito I'm sure si Yassi nababasa ito, na parang inagaw nitong si Yassi si Coco Martin kay Julia Montes. Kaya daw for a time, e parang nabuwisit itong si Julia kay Yassi," ani Ogie D.

"Ito kasing si Yassi ay naging leading lady ni Coco sa Ang Probinsiyano. Tapos doon nga sa set, may kumalat na naging si Yassi at si Coco. Pero wala namang napatunayan," dagdag pa nito.

Read also

Dalawang kapatid ni Coco Martin, bahagi rin ng FPJ Batang Quiapo

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Kamakailan, marami ang sumubaybay sa mga pahayag ni Ogie kaugnay sa kontrobersiyang dulot ng mga rebelasyon ng dati niyang alaga na si Liza Soberano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel