Mariel Padilla at Rufa Mae Quinto, kinaaliwan sa kanilang Drink or Spill video

Mariel Padilla at Rufa Mae Quinto, kinaaliwan sa kanilang Drink or Spill video

- Kinaaliwan sina Mariel Padilla at Rufa Mae Quinto sa pinakabagong vlog ni Mariel sa kanyang YouTube

- Ani Mariel, matagal niyang hinintay na makasama niya sa vlog si Rufa Mae para sa Drink or Spill

- Sa naturang video ay kinakailangan nilang uminom kapag pinili nilang huwag sagutin ang mga tanong para sa kanila

- Marami ang naaliw sa kanilang pakikipagkulitan sa isa't-isa at sa kanilang kadaldalan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan sina Mariel Padilla at Rufa Mae Quinto sa Drink or Spill video na binahagi ni Mariel sa kanyang YouTube channel. Ani Mariel, matagal niyang hinintay na makasama niya sa vlog si Rufa Mae para sa Drink or Spill.

Mariel at Robin padilla, hindi umano bumitaw kay Kris Aquino simula nang magkasakit ito
Mariel at Robin padilla, hindi umano bumitaw kay Kris Aquino simula nang magkasakit ito (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Sa naturang vlog ay parehas nilang sinubukang sagutin ang mga questions. Kinakailangan nilang uminom kapag piliin nilang huwag nang sagutin ang mga tanong.

Read also

James Reid, ibinida si Issa Pressman sa kanyang Instagram post

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Mariel isang vlog pa with Rufa haha Pls sobrang laftrip to. Ung energy niyo parehong sobra sobra hahahaha hyper kung hyper kahit walang alak

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

The best drink/ spill session, more pa please. Cute din pala kayo 2 magkamovie. Super laptrip siguro
Mariel ang sarap nyong panoorin ni Ruffa Mae sana may part 2 .Nabilang ko ang APIR nyo ni Ruffa Mae hahaha

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Read also

Mariel Padilla, binenta ang sosyaling mga damit ng anak sa kanyang 1st anniversary bilang live seller

Nagbahagi kamakailan ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinututkoy niya fake account ay may handle na @marieltpadilla_ - Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel