Post ni Ogie Alcasid, umani ng iba't ibang reaksyon; 'creepy' ayon sa karamihan

Post ni Ogie Alcasid, umani ng iba't ibang reaksyon; 'creepy' ayon sa karamihan

- Umani ng samu't saring reaksyon ang post ni Ogie Alcasid kamakailan

- Karamihan ng netizens ay nagsasabing 'creepy' umano ito sa kung anoman ang kanilang ibang nakikita

- Sa dami ng naintriga, umani na ito ng 22,000 reactions at mayroon na itong 4.9 shares

- Kasalukuyang nasa tour ang misis ni Ogie na si Regine Velasquez Alcasid dahilan para makapag-post ito na miss niya raw umano ang 'Asia's Songbird'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Viral ngayon ang post ni Ogie Alcasid kung saan umani ito ng iba't iba at nakatutuwang reaksyon mula sa mga netizens.

Post ni Ogie Alcasid, umani ng iba't ibang reaksyon; 'creepy' ayon sa karamihan
Photo: Ogie Alcasid
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nai-post ito ni Ogie bilang pagka-miss sa kanyang misis na si regine Velasquez.

Kasalukuyan kasing nasa-concert tour ang Asia's Songbird kaya naman sila lang ng kanilang anak na si Nate ang mdalas na magkasama.

Read also

Moira Dela Torre, kinagiliwan sa makulit na reply kay Senyora

Sa kanyang post noong March 14, makikitang papa-tulog na sila ng anak subalit tila may kakaibang nakikita ang netizens.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Good night everyone! Miss you baba!! Be safe," ang caption ng naturang post at ang tinutukoy niyang Baba ay walang iba kundi si Regine.

Gayunpaman, may iba umanong napansin ang netizens na karamihan ay nagsabing 'creepy' ang naturang post na mayroon nang 22,000 reactions at mayroong 4.9 shares.

"The design is so creepy"

"Siguro puyat lang ako"

"Good night nalang po sir Ogie, lilipas din ito"

"Senyora, help us here po"

Makalipas ang ilang araw, umabot na rin sa 1.2 ang mga komento ng netizens sa naturang post.

Si Ogie Alcasid ay isang actor, comedian, singer at television host sa Pilipinas. Una siyang naging Kapuso kasama ng kanyang misis na si Regine Velsquez bago sila naging Kapamilya kung saan sila nananatili hanggangan ngayon. Isa na sa mga makukulit na hosts ng It's Showtime at regular performer sa ASAP Natin'To. Kasama niya rin sa naturang programa si Regine na sa kabila ng nangyaring ABS-CBN shutdown, nanatili sila sa naturang istasyon.

Read also

Ogie Diaz matapos ang kontrobersiya sa dating alaga: "Basta ang importante tapos na ito"

Kamakailan lang ay inihayag ni Ogie kung gaano siya ka-proud sa misis na naging matagumpay ang concert noong Pebrero. Hindi man sila magkasama noon gayung nasa concert din si Ogie kasama ni Ian Veneracion, emosyonal si Ogie na malamang inspirsyon sa marami ang kanyang pinakamamahal na may bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica