Ogie Alcasid at Regine Velasquez, muling nakasama si Michelle van Eimeren at mga anak nila

Ogie Alcasid at Regine Velasquez, muling nakasama si Michelle van Eimeren at mga anak nila

- Masayang binahagi ni Ogie Alcasid ang picture nila nina Regine Velasquez at anak nilang si Nate kasama sina Michelle Van Eimeren at mga anak nilang sina Leila at Sarah

- Base sa caption ni Ogie, matapos ang tatlong taon ay ngayon lang uli sila nagkasama-samang muli

- Marami ang natuwa sa picture nilang ito dahil makikita na magkakasundo sila sa kabila ng mga nangyari sa kanilang nakaraan

- Si Michelle na unang asawa ni Ogie ay isang Australian beauty queen na kumatawan sa kanyang bansa sa Miss Universe noong 1994

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Ogie Alcasid, matapos ang tatlong taon ay ngayon lang uli nila nakasama sina Michelle Van Eimeren at mga anak nilang sina Leila at Sarah Alcasid. Masayang binahagi ni Ogie Alcasid ang picture nilang magkasama.

Ogie Alcasid at Regine Velasquez, muling nakasama si Michelle van Eimeren at mga anak nila
Ogie Alcasid at Regine Velasquez, muling nakasama si Michelle van Eimeren at mga anak nila (@ogiealcasid)
Source: Instagram
After 3 long years, we are all together again. By God’s grace. #family

Read also

Daniel Miranda, naghayag ng pagmamahal niya para sa kanyang mag-ina

Marami ang natuwa sa picture nilang ito dahil makikita na magkakasundo sila sa kabila ng mga nangyari sa kanilang nakaraan. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

What a beautiful family it is!!! Welcome back to PH, Miss Michelle and Sarah!
Wow naol magkakasundo sayang tignan
Beautiful modern family. Only mature secure people can pull this off :)

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Kinaaliwan biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Read also

Ogie Diaz sa photos nina Charlie Dizon at Carlo Aquino: "Ako feeling ko, sila na"

Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon. Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Ariel Rivera. Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-asawa noong mga panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel