Moira Dela Torre, kinagiliwan sa makulit na reply kay Senyora

Moira Dela Torre, kinagiliwan sa makulit na reply kay Senyora

- Kinagiliwan ng marami ang reply ni Moira Dela Torre sa komento sa kanya ni Senyora

- Nais daw kasing masaktan din ni Senyora upang maging fit tulad ni Moira

- Subalit pinigilan siya ng singer dahil sa iba umanong epekto sa bahagi ng katawan

- Marami ang na-inspire sa lalong naging blooming na si Moira ngayon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aliw na aliw ang mga netizens sa umano'y naging reaksyon ni Moira Dela Torre sa komento ng Facebook page na nagngangalang Senyora.

Moira Dela Torre, kinagiliwan sa makulit na reply kay Senyora
Moira Dela Torre (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nagpahayag umano si Senyora na nais niyang masaktan para ma-achieve ang mas lalong gumandang figure ngayon ni Moira.

"Kailangan ko na rin yata masaktan," ang komento ni Senyora sa inilabas na larawan ni Moira kamakailan.

Sinagot naman ito ng singer ng "'Wag po nakakaliit ng d*d*," na umani ng halos 20,000 reactions.

Read also

Netflix hit na Dollhouse ni Baron Geisler, hango sa kwento ng buhay ng aktres na si Faye Lorenzo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling rumesbak si Senyora at sinabing "Moira, gumawa ka nalang ng kanta gigigil mo ako."

Ni-repost ni Senyora ang naging usapan nila ni Moira sa kanyang Facebook page.

"Ah ganon Moira? Akala ko magkakampi tayo," aniya sa post.

Umabot na sa halos 400,000 ang laugh reaction ng naturang post.

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Kamakailan, kabi-kabilang papuri ang kanyang tinanggap dahil sa weight loss journey na kanyang naibahagi. Labis itong pinag-usapan lalo na nang sabihin ni Moira na ito ay "no exercise, no diet, no surgeries." Aniya, naging bahagi nito ang interview na nagawa sa kanya ni Karen Davila na naging daan para ma-diagnose kung ano nga ba ang naging sanhi noon ng pagdagdag niya ng timbang.

Read also

Ogie Diaz matapos ang kontrobersiya sa dating alaga: "Basta ang importante tapos na ito"

Samantala, madalas ding mag-viral ang makukulit nilang palitan ng komento ni Chito Miranda na itinuturing niyang kuya sa industriya. Tulad lamang ng post ni Chito kamakailan kung saan nasabi niyang masarap kausap si Moira kahit puro 'hahahahaha' lamang umano ang naise-send sa kanya nitong mensahe.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel