Moira Dela Torre, kinaaliwan sa kanyang pagbati kay Chito Miranda

Moira Dela Torre, kinaaliwan sa kanyang pagbati kay Chito Miranda

- Kinaaliwan si Moira Dela Torre sa kanyang pagbati kay Chito Miranda sa kaarawan ng Parokya ni Edgar vocalist

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ang pinost niyang picture ay ang screenshot mula sa kanilang video call at malapit na malapit ang mukha ni Chito

- Bukod pa dito ay hati din ang mukha ni Chito habang si Moira naman ay makikitang tawang-tawa

- Umani ng mga nakakaaliw na komento mula sa netizens ang birong ito ni Moira sa kanyang Kuya Chito

Nag-post si Moira Dela Torre ng kanyang pagbati para sa kaarawan ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar. Ang pinost niyang picture ay ang screenshot mula sa kanilang video call at malapit na malapit ang mukha ni Chito Miranda.

Moira Dela Torre, kinaaliwan sa kanyang pagbati kay Chito Miranda
Moira Dela Torre, kinaaliwan sa kanyang pagbati kay Chito Miranda (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Sharon Cuneta, gustong mahanap ang ale na nakuhanan ng picture kasama ang mga aso niya

Hati din ang mukha ni Chito at makikita ang picture ni Moira na tawang-tawa. Umani ng mga nakakaaliw na komento mula sa netizens ang birong ito ni Moira sa kanyang Kuya Chito.

Hapi bertday sa kuya kong pogi!!!! labyu kuya Chito Miranda

Sagot naman ni Chito ay hahanapin niya rin ang kanyang screenshot:

Sige...ang lakas mo mang-asar ha? Pinagtatawanan mo ko na masyadong malapit yung phone ko sa mukha ko? Teka...hanapin ko yung screen shot ko.

Narito ang ilang komento ng netizens sa kanyang pagbati kay Chito:

Salamat ate moi nakita namin ang utak ni kuya chito hbd
Ang kulit ni moi-moi buloy
Ang cute ng butas ng ilong ni chito... happy Birthday po

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Read also

Coco Martin, ipinasilip ang aktwal na shooting nila sa mataong lugar ng Quiapo

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel