Solenn Heussaff, binahaging nakalipat na sila sa kanilang bagong bahay

Solenn Heussaff, binahaging nakalipat na sila sa kanilang bagong bahay

- Binahagi ni Solenn Heussaff na nakalipat na sila sa wakas sa pinagawa nilang bagong bahay

- Sa kanyang pinakabagong vlog ay pinakita niya ang kanilang pag-iimpake mula sa unang bahay nila

- Hindi din napigilang mapa-reminisce ni Solenn dahil ito ang bahay na tinirhan nila sa loob ng maraming taon kung saan lumaki ang anak nilang si Tili

- Matatandaang nauna nang nabanggit ng mag-asawang Solenn at Nico na natagalan ang pagpapagawa nila dahil sa pandemya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakalipat na sina Solenn Heussaff sa kanilang bagong bahay. Sa kanyang pinakabagong vlog ay binahagi ni Solenn ang kanilang paglilipat.

Solenn Heussaff, binahaging nakalipat na sila sa kanilang bagong bahay
Solenn Heussaff, binahaging nakalipat na sila sa kanilang bagong bahay (@solenn)
Source: Instagram

Matagal din na nanirahan ang mag-asawa sa unang bahay nila kung saan lumaki ang panganay nilang si Tili kasama ang kanilang mga alagang hayop sa bahay.

Napa balik-tanaw si Solenn sa mga magagandang alaala nila sa kanilang bahay. Sa kanilang paglipat sa pinatayong bahay, hindi naging madali para kay Solenn ang pag-organize at paglinis. Aniya, kinailangan niya mag-hire mula sa mga dalubhasa lalo at dalawa na rin ang anak niyang inaasikaso.

Read also

Kathleen Hermosa, binahagi ang kanyang pregnancy journey

Narito ang ilang komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang ganda ng staffroom, di pucho pucho lang for the sake of having one. Comfortable tlga mga staff may magandang toilet, aircon at coffee table at outdoor area na pwede magchill tas aircon din.
For someone who’s in the process of building her dream home, ‍♀️ your moving out/in tips will come in handy! Love this!
Staff room is soooo comfy and practical. I love the idea of separating the sink, shower, and the toilet incase someone needs to use it at the same time.

Si Solenn Marie Adea Heussaff-Bolzico ay isang Pinay actress, model, artist at singer. Isa siya sa naging official castaways ng programang Survivor Philippines: Celebrity Showdown kung saan isa siya sa hinirang na Final Three.

Read also

Rica Peralejo, inakusahang namumuhay nang marangya: "Ni hindi nga ko bumibili ng designer bags"

Matatandaang kamakailan ay binahagi ni Nico sa isang Instagram post ang tungkol sa pagsilang sa ikalawang anak nila ni Solenn. Aniya, hahayaan niyang ang asawa niyang si Solenn ang magpakilala sa publiko sa pangalawang anak ngunit ang sigurado raw ay "Lionel" ang ikalawang pangalan ng anak. Naibahagi niya rin na masaya at maayos ang kalusugan ng kanyang maybahay. Bumuhos naman ang pagbati at marami ang naaliw sa pagiging palabiro ni Nico maging sa pagbabahagi ng pangyayari sa kanilang buhay.

Kamakailan ay binahagi ni Solenn ang video na kuha noong siya ay manganak sa pangalawang pagkakataon. Aniya, mas naging madali ang kanyang panganganak sa pangalawang baby na kanilang pinangalanang Maëlys Lionel. Natatawa lang si Solenn habang inamin niyang hango sa pangalan ng sikat na Argentinian professional footballer na si Lionel Messi. Matatandaang hindi maitago ni Nico ang kanyang galak nang manalo ang bansang Argentina sa World Cup 2022 kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel