Kim Chiu, pinasalamatan at binati si Direk Lauren na aniya'y unang taong naniwala sa kanya

Kim Chiu, pinasalamatan at binati si Direk Lauren na aniya'y unang taong naniwala sa kanya

- Pinasalamatan ni Kim Chiu si Direk Lauren Dyogi na aniya'y unang taong naniwala sa kanya simula nang mag-umpisa siya sa showbiz hanggang sa kasalukuyan

- Pinagpapasalamat umano niya ang palaging pagsuporta sa kanya ni Direk Lauren

- Ayon pa kay Kim kapag naririnig niya daw ang boses ni Direk Lauren ay kumakalma siya at pakiramdam niya ay secured siya

- Kalakip ng kanyang mensahe at pagbati sa kaarawan ni Direk Lauren ay binahagi ni Kim ang ilang pictures nilang magkasama mula noong pumasok siya sa PBB

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Kim Chiu ng madamdaming mensahe para sa kaarawan ni Direk Lauren Dyogi. Pinasalamatan siya ni Kim dahil siya umano ang aniya'y unang taong naniwala sa kanya simula nang mag-umpisa siya sa showbiz hanggang sa kasalukuyan.

Read also

Maricel Soriano, kinaaliwan sa TikTok video kasama sina Marjorie Barretto at mga anak nito

Kim Chiu, pinasalamatan at binati si Direk Lauren na aniya'y unang taong naniwala sa kanya
Kim Chiu, pinasalamatan at binati si Direk Lauren na aniya'y unang taong naniwala sa kanya (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Dagdag pa ni Kim, pinagpapasalamat niya na palaging nakasuporta sa kanya si Direk Lauren. Kapag naririnig niya daw ang boses ni Direk Lauren ay kumakalma siya at pakiramdam niya ay secured siya.

Lagi mo pinapaalala sakin na “kaya mo yan!” Whenever I hear your voice kumakalma ako and parang may feeling na secured ako. I guess lahat ng nakakausap mo direk ganito din nararamdaman nila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim. Naibahagi din ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Samantala, napa-head stand si Kim sa It's Showtime matapos siyang pasayawin ng kanyang mga co-hosts. Si Jhong Hilario na tinaguriang "sample king" ang nauna at talaga namang lahat ng kanyang co-hosts ay bumilib sa walang kupas na husay ni Jhong sa pagsasayaw. Kinawindang ng kanyang mga kasamahan ang pagtangka nitong mag-head stand dahil nasubsob ng kaunti ang kanyang ulo. Agad naman siyang inalalayan ng kanyang mga co-hosts sa pagtayo matapos ang kanyang performance.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate