Iya Villania, nawindang kay Primo matapos niya itong turuan gumamit ng can opener

Iya Villania, nawindang kay Primo matapos niya itong turuan gumamit ng can opener

- Binahagi ni Iya Villania ang picture ng isang alkansiya na nabuksan na

- Aniya, tinuruan niya ang anak na si Primo kung paano gamitin ang can opener at ito daw ang kanyang binuksan

- Si Primo ang panganay na anak ni Iya na sa kasalukuyan ay pitong taong gulang

- Umani ng mga komento ang binahaging ito ni Iya at marami ang naaliw sa ginawang ito ni Primo

Kinaaliwan ang binahagi ni Iya Villania sa kanyang Instagram story matapos daw niyang turuan ang anak na si Primo kung paano gumamit ng can opener. Binuksan nito ang alkansiya.

Iya Villania, nawindang kay Primo matapos niya itong turuan gumamit ng can opener
Iya Villania, nawindang kay Primo matapos niya itong turuan gumamit ng can opener
Source: Instagram
"Taught Primo how to use a can opener... and he used the skill to open this ,"

Ito ang nakasaad sa IG story niya kalakip ang picture ng isang alkansiya na nabuksan na. Si Primo ang panganay na anak ni Iya na sa kasalukuyan ay pitong taong gulang.

Read also

Mariel Padilla, binura ang kanyang post tungkol sa drip session niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bukod kay Primo ay nabiyayaan ang mag-asawang Iya at Drew Arellano ng tatlo pang mga anak.

Narito ang ilang komento ng netizens:

Smart kid That escalated quickly
Very good bibi haha! Life skill unlocked
he can which shouldn't be opened immediately

Si Iya Villania-Arellano, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang TV presenter. Isa siyang Filipina-Australian na kinalaunan ay naging aktres at host na rin. Nakilala rin siya bilang isa sa pinakasikat na VJ ng Myx Channel.

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ni Iya ang kanyang video ng kanyang pagwo-work out dalawang linggo matapos niyang manganak sa kanyang bunso. Umani ito ng mga reaksiyon at komento lalo na mula sa mga kapwa niya artista. Marami ang humanga na kahit kapapanganak lang nito ay kayang-kaya niyang mag-workout.

Read also

JM De Guzman, pinakilig ang marami sa mensahe kay Donnalyn Bartolome

Kamakailan ay binahagi ni Iya na tuluyan nang natanggal ang front teeth ng anak niyang si Leon sa edad na limang taon. Ikinuwento niya na inakala nila ni Drew na na-save nila sa pagkakabunot ang dalawang ngipin nito nang unang matumba siya. Gayunpaman, masaya daw ang kanyang anak kaya kinalaunan ay mayroon siyang napagtanto. Aniya, ang mahalaga ay ang nararamdaman ng anak niya at aminado siyang naisip niya ang maaring sabihin ng ibang tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel