Maegan Aguilar, umalma sa video na nilabas ng dating asawa
- Umalma si Maegan Aguilar sa nilabas na video ng dati niyang asawa na si Bashier Sacaguing
- Aniya, inestafa umano siya ng dating asawa at sa kanya umano nagsimula ang pagkakaroon niya ng goiter
- Dagdag pa niya, kaya lang siya pinakasalan nito dahil akala nito ay mananalo sa pagka-senador ang ama niyang si Freddie Aguilar
- Nang matalo umano ang ama niya ay hindi man lang siya maakay paakyat ng hagdan noong kasagsagan ng pagkakaroon niya ng goiter
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sinagot ni Maegan Aguilar ang nilabas na video ng dati niyang asawang si Bashier Sacaguing. Itinakbo raw nito ang perang nagkakahalaga ng P250K.
Aniya sa kanyang ex nagsimula ang kanyang toxic goiter.
Ay ang kapal! Isa ka pang kampon NI satanas inestafa MO ko unggoy!!! Nakalimutan MO bigla NA SA yo nagsimula itong toxic goiter ko nung itakbo mo pera ko at pera NG mga Koreano amounting to 250K!!!
Ayon pa sa kanya, kaya lang siya pinakasalan nito dahil akala nito ay mananalo sa pagka-senador ang ama niyang si Freddie Aguilar.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Obvious nagpakasal ka SA kin Kasi akala MO mananalo SA pagka senador Yung Isa pang tulad MO rin, si ka Fredimonyo Aguilar,Yun Lang!!!At nung natalo, NI hindi MO ako maakay paakyat NG hagdanan nung kasagsagan NG goiter ko, audhubillah!!! La hawla quatta illah billah,
Si Maegan Aguilar ay pangalawa sa limang mga anak ni Freddie Aguilar at ang unang sumunod sa yapak ng kanilang ama pagdating sa hilig sa musika. Si Ka Freddie o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buhay ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila. Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.
Kamakailan inihayag ni Maegan ang kanyang saloobin matapos ang paglabas ng resulta ng ginawang test sa kanya sa programa ni Sen. Raffy Tulfo. Sa kanyang mga live video sa Facebook ay makikita siyang naglalakad at emosyonal. Aniya, naghahanap lamang siya ng mataas na gusali para daw matapos na ang lahat. Sa isang post niya ay sinabi niyang tinatanggalan niya ng karapatan ang kanyang kaanak na lumapit o humawak sa kanyang labi.
Sa post ni Maegan ay inilabas niya ang kanyang sama ng loob sa kanyang pamilya. Kasunod ng kanyang pagtatanggal ng karapatan sa kanyang pamilya na mahawakan o malapitan ang kanyang bangkay, matindi din ang binitawan niyang salita. Idinawit niya ang kanyang ina at kanyang kuya sa pinagbabawal na gamot. Payo naman ng kanyang ina, tanggapin nito ang alok na iparehab siya at magbubukas ang mga oportunidad sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh