Madam Inutz, ibinahagi ang video ng pagkikita ng anak niya at ng tatay nito

Madam Inutz, ibinahagi ang video ng pagkikita ng anak niya at ng tatay nito

- Binahagi ni Madam Inutz ang video ng pagkikita ng anak niya at ng ama nito na dalawang taon din daw na hindi nagkita

- Kasama ng ex niya na isang foreigner ang kasalukuyan nitong karelasyon na masaya nilang sinalubong

- Kasama din ni Madam ang kanyang boyfriend na si Tantan at isa pang tagakuha ng video nila

- Ani Madam, para sa mga kagaya niyang hiwalay sa ama o ina ng kanilang anak ay mas magandang magkabati at maging magkaibigan para sa ikabubuti ng anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Madam Inutz ng video na kuha sa muling pagkikita ng anak niya at ng ama nito na isang foreigner. Kasama din ng ex ni Madam Inutz ang kasalukuyang karelasyon nito.

Madam Inutz, ibinahagi ang video ng pagkikita ng anak niya at ng tatay nito
Madam Inutz, ibinahagi ang video ng pagkikita ng anak niya at ng tatay nito (facebook.com/DaisyCabantogLopez)
Source: Facebook

Kwento ni Madam Inutz, noong una ay may naganap pang selosan ngunit kinalaunan umano ay naipaliwanag niya sa partner ng kanyang ex na magkaibigan na lang talaga sila ng ama ng kanyang anak.

Ani Madam, para sa mga kagaya niyang hiwalay sa ama o ina ng kanilang anak ay mas magandang magkabati at maging magkaibigan para sa ikabubuti ng anak. Kasama din ni Madam ang kanyang boyfriend na si Tantan at isa pang tagakuha ng video nila.

Panuorin ang kabuuan ng video dito:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda.

Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapa-manage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.

Sa isang video niya ay pinakita ni madam Inutz ang pagsama niya ng kanyang boyfriend na si Tantan sa kanilang pagpunta sa mall kasama ang manager na si Wilbert Tolentino at si Herlyn Budol. Ito umano ang unang pagkakataon na nagkita sa personal ang boyfriend at ang kanyang manager nila ni Herlene kaya naisipan nilang lumabas at mag-group date. Marami naman sa mga viewers ni madam Inutz ang masaya para sa kanyang mga tinatamasa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel