Liza Soberano, pinuri si Jane de Leon sa pagganap bilang Darna:"I'm supportive of it"

Liza Soberano, pinuri si Jane de Leon sa pagganap bilang Darna:"I'm supportive of it"

- Naitanong ni Bea Alonzo kay Liza Soberano ang pagganap sana nito sa teleseryeng 'Darna'

- Matatandaan na si Liza sana ang gaganap sa serye subalit kinailangan siyang palitan dahil sa injury nito sa daliri

- Ayon kay Liza, nakausap umano niya at kalauna'y naging kaibigan si Jane de Leon na pumalit sa kanya

- Binigyang puri rin niya si Jane sa mahusay nitong pagganap gayung napanood niya ang ilang episodes ng natapos nang serye kamakailan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa naitanong ni Bea Alonzo sa panayam niya kay Liza Soberano ang tungkol sa pagganap sana nito sa teleseryeng Darna.

Liza Soberano, pinuri si Jane de Leon; naging kaibigan pa niya ito nang ipasa ang role
Liza Soberano (ABS-CBN Entertainment)
Source: Facebook

Matatandaang si Liza sana ang susunod na Darna subalit sa kasamaang palad, nagkaroon ito ng hand injury dahilan para magtungo siya ng Amerika para paoperahan ito.

"Do you think you would've been a better Darna?" tanong ni Bea kay Liza.

Read also

Liza Soberano, nilinaw na 'di pa rin iiwan ang showbiz career sa Pilipinas

"Honestly, I don't know," ani Liza na pasado naman sa lie detector test na isinasagawa sa kanya habang bumabato ng mga katanungan ni Bea.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"I don't wanna say my athletic capabilities are the best. So hindi ko talaga alam. I think, Jane did a good job. I saw some of the episodes. Pinanood ko because I wanted to see how it would actually end up," pagpapatuloy pa niya.

Nabanggit din niya na dahil sa kinailangan siyang palitan ni Jane de Leon, naging kaibigan niya ito kalaunan.

"Also, Jane became a good friend of mine also. Not super close but I talked to her when it was passed on to her to make sure that I'm supportive of it"

Narito ang kabuuan ng naging lie detector test challenge ni Bea kay Liza:

Read also

Liza Soberano sa kanyang social media post: "I didn't delete them, don't worry"

Naging kontrobersyal ang inilabas na video ni Liza Soberano sa kanyang YouTube channel kamakailan. Ito ay upang ibulalas niya ang sarili sa kung ano na nga ba ang nangyayari at nangyari sa kanya buhat nang mapasailalim siya sa management na kinabibilangan ni James Reid.

Samantala, sa naturang interview ni Bea kay Liza, isa sa mga naibunyag nito ay ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na unang inalok sa kanila ni Enrique Gil. Muntik na rin umanong makatambal ni Enrique si Kathryn sa nasabing pelikula hanggang sa napunta na nga ito kay Alden Richards.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel