Liza Soberano, nilinaw na 'di pa rin iiwan ang showbiz career sa Pilipinas

Liza Soberano, nilinaw na 'di pa rin iiwan ang showbiz career sa Pilipinas

- Sa naging panayam sa kanya ni Bea Alonzo, nilinaw ni Liza Soberano na hindi niya iiwan ang kanyang showbiz career sa Pilipinas

- Gayunpaman, ipinaliwanag niya na ang focus niya ay ang career niya sa Hollywood

- Patuloy pa rin umano ang kanyang komunikasyon sa mga fans sa Pilipinas

- Aminado rin si Liza na marami pa umano siyang dapat nga gawin sa inaasam na career sa Amerika

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ni Liza Soberano na hindi pa umano niya tuluyang tinatalikuran ang kanyang showbiz career sa Pilipinas.

Liza Soberano, nilinaw na 'di pa rin iiwan ang showbiz career sa Pilipinas
Liza Soberano (Bea Alonzo YouTube channel)
Source: Youtube

Ito ang isa sa kanyang naihayag sa pagiging guest niya sa vlog ng kapwa aktres na si Bea Alonzo.

Nalaman ng KAMI na marami umano ang nag-akala na sa pagsabak ni Liza sa Hollywood, tuluyan na nitong iiwan ang showbiz career sa bansa.

Read also

Liza Soberano, pinuri si Jane de Leon sa pagganap bilang Darna: "I'm supportive of it"

"I'm not abandoning it fully so I still want to be able to do stuff here, leveraging my you know what I've achieved as an actress here," paliwanag ni Liza.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pero for the next few years, ang focus ko talaga is in Hollywood. there's a lot of work to be done. I'm a nobody there so I still have to work hard put in a lot of time and effort. And I can't do that if I'm maintaining a career here. But I still want to keep in touch with my fanbase here," giit pa niya.

Isa rin sa dahilan bakit umano niya pinaunlakan si Bea YouTube channel nito ay upang iparamdam sa kanyang Filipino fans na hindi siya tuluyang mawawala sa bansa.

"And then siguro this is why I am doing this with you. Because this is a way of me letting them know that I'm still here, that I still care about them. And I still care about my career here in the Philippines and everything pero iba lang 'yung focus ngayon."

Read also

Chiz Escudero, hindi naisip na sukuan si Heart Evangelista

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel ni Bea Alonzo:

Naging kontrobersyal ang inilabas na video ni Liza Soberano sa kanyang YouTube channel kamakailan. Ito ay upang ibulalas niya ang sarili sa kung ano na nga ba ang nangyayari at nangyari sa kanya buhat nang mapasailalim siya sa management na kinabibilangan ni James Reid.

Samantala, sa naturang interview ni Bea kay Liza, isa sa mga naibunyag nito ay ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na unang inalok sa kanila ni Enrique Gil. Muntik na rin umanong makatambal ni Enrique si Kathryn sa nasabing pelikula hanggang sa napunta na nga ito kay Alden Richards.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel